Epilogue

37.9K 773 116
                                    

KINASAL kami ni Reagan three months ago. Tuwang-tuwa ang ate ko nang makatanggap siya ng invitation sa kasal namin.

Sinabi pa sa 'kin ng ate ko na matagal na daw niyang alam na hindi talaga bakla si Reagan. Natawa ako nang sabihin niya dahil ang pangit daw niyang umaktong bakla kaya siya nahuli. Pero masaya ang ate ko dahil sawakas daw, may magmamahal na samin ni Isabelle at tanggap ang nakaraan ko.

Galit na galit ang pamilya ko nang sabihin kong si Jethro ang may sala sa nangyari sa 'kin. Nagpupuyos sa galit ang ate ko at kung pwede pa daw buhayin si Jethro para daw masuntok niya sa mukha. Maging ang tiyahin ko ay hindi inakala na gagawin sa 'kin yun ni Jethro.

Present din kasi ang tiyahin ko sa kasal namin ni Reagan kaya tuwang-tuwa ang anak kong si Isabelle. Mabuti nalang at napilit namin siyang pumunta dahil masama daw pakiramdam niya. Halata kasing miss na miss na siya ni Isabelle.

Kompleto lahat, maging ang pamilya ni Reagan. Natutuwa ako dahil hindi nila ako hinusgahan at tinanggap nila ako sa kanilang pamilya.

Nandito ako sa sala katabi ang anak kong si Isabelle na busy sa pag dra-drawing. Wala kasi si Reagan ngayon dahil sumaglit muna sa companya niya.

Hinahaplos ko ang naka umbok kong tyan habang pinagmamasdan ang anak ko.

Ilang sandali pa ay may narinig akong humintong kotse sa harap ng bahay namin.

Agad na tumayo si Isabelle mula sa pagkakaluhod saka nagtatalon habang may ngiti sa labi. "Daddy's here!" Sabi pa niya.

Excited kasi siya dahil may pinapabili na naman siyang laruan sa daddy niya. Masyado kasing spoiled ni Reagan si Isabelle at kung ano-ano ang binibili. Isang request lang na anak namin ay agad na sinusunod niya. Pero natutuwa parin ako sa anak ko dahil may limit parin naman ang pinapabili niya.

Mahilig din sa pag dra-drawing si Isabelle kaya binilhan 'to ni Reagan ng mga gamit. Pinupuno niya ang kwarto ni Isabelle nang kong anik-anik, may sarili ding library ang anak namin katabi sa office niya dito sa bahay.

Hinintay ko lang na makapasok si Reagan sa loob ng bahay. Nakapagluto naman na ako kanina kahit pa nga ayaw akong pakilosin ni Reagan. Naboboring na ako dito sa bahay dahil hindi talaga ako sanay na walang ginagawa.

Nandito parin naman si ate Jane samin at siya ang taga hatid sundo kay Isabelle sa school.

Bumukas ang pintuan ng main door at mula do'n ay pumasok ang nakangiting mukha ni Reagan. May hawak pa talaga 'tong dalawang bouquet sa kanang kamay.

"Daddy!" Masayang tawag ni Isabelle kay Reagan.

Napangiti ako habang nakasunod lang ang tingin kay Isabelle na tumatakbo palapit sa daddy niya. "Kamusta naman ang dalawang baby ko?" Tanong ni Reagan saka hinawakan ang kamay ng anak namin at inabot ang laruan kay Isabelle kaya agad napangiti ang anak ko.

Tumingin sa 'kin si Reagan at sabay silang naglakad papunta sa 'kin. "For you, mon amour." Sabi ni Reagan sabay abot sa 'kin ng bouquet. Napangiti ako dahil araw-araw niya akong binibigyan ng bulaklak. Maging ang anak kong si Isabelle ay binibigyan din niya.

"And para sa isa ko pang baby." Nakangiting sabi ni Reagan sabay abot ng bouquet kay Isabelle.

"Thank you, daddy!" Sabay naming sabi ni Isabelle kaya natawa si Reagan.

Umupo siya sa tabi ko saka niya hinalikan ang labi ko. Bumaba ang mukha ni Reagan saka dinampian ng halik ang naka umbok kong tyan.

"Hey, buddy! How are you?" Pagkakausap ni Reagan sa tyan ko habang hinahaplos 'to.

Nalaman kasi namin na baby boy ang pinagbubuntis ko. Kaya sobrang excited ni Reagan. Hindi na siya makapaghintay na lumabas ang anak namin.

Nagsimula narin kaming mamili ng mga gamit para sa anak namin. Maging ang kwarto ng baby namin ay nakahanda na at pinupuno 'to ni Reagan nang decoration.

Wicked Billionaire Series 3: Reagan Salazar (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon