Chapter 19

22.4K 477 19
                                    

NAGLALAKAD AKO PAPUNTA NG grocery store para bilhan ng snack si Isabelle. Sinama kasi namin siya ni Reagan sa office dahil umalis sila kuya Zacreus at Herrah. Mag babakasyon kasi sila.

Bukas narin naman ang alis namin papuntang Hongkong kaya excited ako, maging ang anak kong si Isabelle ay excited narin dahil makikita niya daw si mickey mouse.

Wala naman masyadong gagawin sa office dahil ginawa ko lahat kahapon.

Pumasok ako ng grocery store at agad kumuha ng snacks para kay Isabelle at Reagan. Kumuha narin ako ng para sa 'kin saka ko 'to inilagay sa hawak kong basket. Naglakad ulit ako para bumili ng sabon sa mukha ko dahil naubos na ang ginagamit ko.

Nang matapos ako ay agad akong pumunta sa counter para bayaran ang mga pinamili ko. Kukunti lang naman ang mga nakapila kaya mabilis umusad ang pila.

Tinignan ko muna ang cellphone na hawak ko nang maramdaman kong nag vibrate 'to. Napangiti ako ng makita ko ang sinend ni Reagan na picture nilang dalawa ni Isabelle. Nag tipa ako ng message saka ko sinend kay Reagan.

Kumunot ang nuo ko ng maramdaman kong may kumalabit sa balikat ko. Lumingon ako sa likuran ko at nakita ang kababata namin ni Jethro na si Matthew. Nakasuot 'to ng maruming jacket at maong na pantalon. Pawisan din 'to kaya pumasok sa isipan ko kung anong trabaho niya dahil sa hitsura niya.

Naka-ngiwi akong ngumiti sakanya saka umusog ng kunti palayo sakanya. "Ikaw pala.." naiilang kong sabi.

"Akala ko, namalikmata lang ako kanina. Ikaw pala talaga, Hope." Sagot niya sa 'kin.

"Sa construction ka nag tra-trabaho?" Tanong ko saka tinuro ang isang building na ginagawa sa di kalayuan.

"Oo. Dyan ako nag tra-trabaho. Buti nga naka pasok ako. Ang hirap maghanap ng trabaho sa panahon ngayon eh," sagot niya saka pinunasan ang pawis na nasa kanyang nuo gamit ang braso niya.

"Mabuti pa nga kayo ni Jethro, maganda ang trabaho niyo." Malungkot niyang sabi. "Nagpapatulong nga ako kay Jethro, nagbabakasakali akong makapasok do'n sa resort na pinagtra-trabahuan niya. Kahit taga walis sa labas, ayos na sa 'kin." Dagdag pa niyang sabi.

"Ganun ba!" Tipid kong sagot. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko kaya pilit kong hinihila 'to.

"Hope, baka pwedeng matulongan mo ko. Baka pwede mo kong ipasok sa pinagtratrabahuan mo. Sige na, Hope. Kailangan na kailangan ko kasi para sa mag-ina ko." Pagmamakaawa niya sa 'kin.

Hihilain ko na sana ang kamay ko ng may biglang humawak sa kamay ni Matthew. Nakita ko ang madilim na mukha ni Reagan habang nakatitig kay Matthew.

"Bakit mo hinahawakan si Hope?" Tanong ni Reagan sa galit na boses.

Tumingin ako sa paligid ng marinig ko ang bulong-bulongan ng mga taong namimilo habang nakatingin samin.

Hinawakan ko ang kamay ni Reagan para pakalmahin siya. Ayaw kong gumawa siya ng eksena dito sa store. "Tama na, Reagan. May sinasabi lang siya sa 'kin." Nasabi ko nalang para bitawan niya ang kamay ni Matthew na halatang nasasaktan.

"Subukan mo pang hawakan ulit si Hope. Dudurugin ko mga daliri mo sa kamay." Galit na sabi ni Reagan at mabilis na pinakawalan ang kamay ni Matthew na masamang nakatingin din kay Reagan.

"Yabang mo ahh, porke't mayaman ka. Akala mo kung sino." Galit na sabi ni Matthew.

"Mayabang talaga ako. Gusto mo ipakita ko sa'yo kung gano ako ka yabang. Baka sa isang iglap lang, mawalan ka ng trabaho. Ayaw mo naman siguro mangyari 'yun?" Naka ngising sabi ni Reagan kay Matthew.

"Reagan, tama na kasi." Pag-aawat ko kay Reagan.

"Mayabang!" Sigaw ni Matthew saka umalis sa harap namin. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makita kong lumabas na ng tuluyan si Matthew sa grocery store.

Wicked Billionaire Series 3: Reagan Salazar (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon