NATARANTA AKO NG PUMASOK si sir Reagan sa elevator kasama si Isabelle. Hindi ko man lang naabutan dahil sa bilis ng pagpasok nilang dalawa sa loob. Kaya heto ako hinihintay na bumukas ang elevator para sundan sila.
Alam kong pupuntahan ni sir Reagan ang dalawang babae kanina, baka ituro pa ng anak ko kung sino 'yung dalawang babae na 'yun.
Nakahinga ako ng maluwag nang bumukas ang elevator kaya pumasok ako agad saka ko pinindot kung anong floor 'yun. Habang nasa loob ako ng elevator ay nanlalamig ang kamay ko sa sobrang kaba. Halata kasi sa mukha ni sir Reagan na galit na galit talaga 'to.
Bumukas ang pintuan ng elevator kaya dali-dali akong lumabas. Napatakbo ako dahil naririnig ko ang ng malakas ang galit na boses ni sir Reagan, pinapagalitan na yata ang dalawang babae.
Nang makalapit ako ay nakatalikod si sir Reagan sa gawi ko habang buhat-buhat parin si Isabelle. Nakayuko naman sa harap niya ang mga empleyado sa floor na 'to habang ang dalawang babae ay nasa pinakaharap at nakayuko din.
"You have no right to insult Hope. Wag kayong mag malinis dahil baka mas madumi pa kayo kay Hope." Galit na sabi ni sir Reagan.
"S-sir.. pasensya na p—
"I don't accept your sorry. You too will be fired. And if anyone else I hear say hurtful words to, Hope, I won't regret firing you all. Understand?" Saad ni sir Reagan saka 'to humarap sa gawi ko, nagulat pa yata siya na nandito ako nakatayo. Lumapit siya sa' kin saka hinawakan ang kamay ko at nagsimulang maglakad papuntang elevator.
"Why are your handa sweating?" Tanong niya
sa' kin."Paanong hindi pagpapawisan sir Reagan eh, kinakabahan ako sa'yo." Pagsasabi ko ng totoo sakanya. Mahina naman siyang natawa saka dinala ang kamay ko na hawak niya sa kanyang labi at dinampian ng halik ang likod ng palad ko.
"Thank you po, papa." Nakangiting sabi ni Isabelle saka hinalikan niya sa pisngi si sir Reagan.
"Ang sweet naman ng anak ko," naka ngiting sabi ni sir Reagan kay Isabelle.
Pumasok kaming tatlo sa loob ng elevator para bumalik sa floor namin. Nang bumukas ang elevator ay sabay kaming lumabas. Duneritso si sir Reagan sa loob ng opisina niya kasama si Isabelle habang ako ay bumalik sa table ko na nasa labas lang ng opisina ni sir Reagan.
Bumalik ako sa ginagawa ko kanina, inaayos ko kasi ang mga folder na bawat department saka ko ibibigay kay sir Reagan para mapirmahan niya. Tinignan ko din kung may mahalaga bang meeting si sir Reagan ngayong week na 'to para hindi ko makalimutan.
Dumating ang hapon ay busy akong nag titipa sa keyboard ko dahil may ginagawa akong form. Biglang bumukas ang pintuan ng opisina ni sir Reagan at lumabas silang dalawa ng anak ko. Mahina akong natawa ng makita kong naka sukbit pa sa balikat ni sir Reagan ang bag ni Isabelle na mickey mouse.
"Let's go home, mon amour." Naka ngiting sabi ni sir Reagan sa' kin habang hawaka ng kamay ni Isabelle.
"Sige po, sir, save ko lang po ang ginagawa ko." Sagot ko saka sinave ang ginagagawa kong form. Inayos ko narin ang gamit ko saka ko pinatay ang computer ko.
Tumayo na ako kaya mabilis na hinawakan ni sir Reagan ang kamay ko at sabay kaming naglakad papuntang elevator.
Nang makababa kami sa ground floor ay lahat nakakasabayan naming empleyado ay binabati kaming dalawa ni sir Reagan. Naiilang ako dahil ayaw bitawan ni sir ang kamay ko. Nahihiya tukoy akong naglalakad habang nakayuko, baka kasi makita ko na naman ang mga ibang empleyado na nag bu-bulongan.
Nalaman ko din kanina na natanggal talaga ang dalawang babae. Chinat kasi ako ng kakilala ko do'n sa department na 'yun at ang sabi sa' kin ay panay daw ang iyak ng dalawa. Hindi ko nalang nireplayan dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko.
BINABASA MO ANG
Wicked Billionaire Series 3: Reagan Salazar (SOON TO BE PUBLISHED)
Romance||R-18🔞|| ⚠️Matured Content||✅Complete|| Under editing. Unang kita pa lang ni Reagan sa dalaga ay tumigil agad ang mundo niya sa taglay na kagandahan ng babae. Ngunit, may malaking problema dahil nakikita niya sa mukha ng dalaga na hindi 'to kompor...