MADILIM NA SA LABAS pero heto ako, kanina pang umaga hindi kumakain. Kinatok ako kanina ng landlady dahil hindi daw niya ako nakikitang lumalabas sa kwarto ko. Akala niya ay napuno na daw ako kaya kinatok niya ako kanina.
Nagulat ako ng may marinig akong katok sa labas ng pinto ko. Sa pag-aakalang ang landlady ulit yun ay bumangon ako sa kama para pag buksan 'to.
Pinihit ko ang siradura ng pinto saka ko 'to binuksan. Nanlaki ang mata ko ng bumungad sakin ang mukha ni sir Reagan, bakas sa mukha niya ang pag-aalala sakin.
"A-anong ginagawa mo dito?" nauutal kong tanong sakanya.
"We need to talk, Hope." seryoso niyang sabi sakin.
Agad akong umiling at isasara sana ang pintuan, ngunit iniharang ni sir Reagan ang sapatos niya kaya hindi ko na isara ang pintuan.
"Mag-uusap tayo!" saad niya.
"Ayaw ko! Wala tayong dapat pag-usapan pa, sir Reagan." tutol ko. Ngunit mabilis akong tinulak ni sir Reagan papasok ng apartment ko saka 'to pumasok sa loob.
"Ano bang ginagawa mo?" inis kong tanong sakanya ng makita kong isinara niya ang pinto. Hindi naman ako natatakot kay sir Reagan dahil kahit galit ako sa pag sisinungaling niya ay alam kung hindi niya ako sasaktan.
"Bakit bigla ka nalang umalis sa hotel ha? Alam mo ba kung gano ako nag-alala sa'yo?! Damn it, Hope! Halos mabaliw ako sa paghahanap sa'yo." sigaw niya sakin.
"Wala akong mukhang ihaharap sa'yo," nahihiya kong sabi habang naka yuko. "Anong gusto mong gawin ko.. ang harapin ka?" tanong ko saka ko inangat ang mukha ko para tignan ang mukha niya. "Naiinis din ako sa'yo! Pinagkatiwalaan kita pero niloko mo lang din pala ako. Bakit? Bakit ang galing mo mag panggap, sir Reagan? May masama ka ding bang balak sakin?" malungkot kong tanong sakanya.
"No! Wala akong balak na masama sa'yo o kahit ano man. I just did that to make you feel comfortable with me. I'm very sorry, Hope. Nakita ko kung gaano ka katakot sa mga lalaki, kaya nagawa kong palipatin ang ibang mga lalaki sa companya ko para maging komportable ka lang. I have no bad intentions towards you, Hope." saad niya habang nakatitig sakin.
Hindi ako nagsalita bagkos ay yumuko lang ako habang titig na titig sa mga kuko ko sa paa.
"Alam kung galit ka sakin, Hope. Pero sana naman.. wag kang umalis. Wag kang lumayo sakin. Tatlong araw pa nga lang kitang hindi nakita, hirap na hirap na ako, pano pa kaya kung habang buhay ka ng hindi magpapakita sakin. I don't want to lose my mind, Hope." He added.
"Kaya kitang panagutan, Hope." saad niya na ikina-angat ng mukha ko.
"Panagutan? Will you accept me if you find out something about me?" tanong ko sakanya.
"Yes. Kahit ano pa yan. Tatanggapin kita, H—
"I'm a rape victim, sir Reagan." I interrupted what he was going to say. Natigilan 'to sa harap ko habag titig na titig sakin.
"Kaya takot ako sa mga lalaki. Hanggang ngayon ay dala-dala ko parin ang takot n'ong gabing yun. N'ong gabing ginahasa ako sa hindi ko kilalang lalaki," naiiyak kong sabi habang inaalala ang nangyari sakin.
"Paulit-ulit niya akong ginalaw n'ong gabing yun, kahit anong pagmamakaawa ko ay hindi niya ako pinakinggan," saad ko at tuluyan na akong napahagulhol ng iyak habang nakayuko.
Ngunit, bigla akong natigilan ng maramdaman ko ang yakap ni sir Reagan sakin habang hinahaplos ang likod ko na parang pinapakalma ako.
"I'm sorry, Hope. I'm very sorry. If I only knew what happened to you before, I wish I would have protected you better. Sana mas iningatan pa kita para hindi maulit ang nangyari sa'yo. Patawarin mo ko, Hope. Ayaw kong pagsisihan ang nangyari satin, pero sa nalaman ko.. naiinis ako sa sarili ko," saad niya habang inaalo ako.
BINABASA MO ANG
Wicked Billionaire Series 3: Reagan Salazar (SOON TO BE PUBLISHED)
Romance||R-18🔞|| ⚠️Matured Content||✅Complete|| Under editing. Unang kita pa lang ni Reagan sa dalaga ay tumigil agad ang mundo niya sa taglay na kagandahan ng babae. Ngunit, may malaking problema dahil nakikita niya sa mukha ng dalaga na hindi 'to kompor...