Chapter 28

25.9K 540 39
                                    

DAHAN-DAHAN KONG iminulat ang mga mata ko at bumungad sa 'kin ang puting kisame.

Tumingin ako sa paligid at agad nakita si Reagan na nakaupo habang nakasandal ang likod sa upuan at natutulog.

Napakurap-kurap ako nang mapagtanto ko na nasa hospital room pala ako.

Tinitigan ko ang mukha ni Reagan na mahimbing na natutulog. Mabuti nalang at hindi siya natutumba kahit ganun ang posisyon niya.

Dahan-dahan kong hinawakan ang tyan ko saka ko 'to hinaplos. Malungkot akong nakatitig sa mukha ni Reagan habang iniisip ang nangyari sa 'kin.

Hindi ko mapigilang hindi maiyak dahil iniisip ko ang dumi-dumi kong babae. Kung hindi lang siguro dumating si Reagan, baka narape na naman ulit ako ni Jethro. Bumalik sa alaala ko ang nangyari sa 'kin dati kaya mas lalo akong naiyak. Sariwa pa sa alaala ko ang nangyari dati nang hilain ako ni Jethro sa isang tahimik na lugar at do'n pinagsamtalahan. Kaya siguro hindi ko nakita ang mukha niya dati dahil may pinaamoy siya sa 'kin sa pamamagitan nang panyo. Madilim din yun kaya talagang hindi ko nakita ang mukha niya.

Hanggang ngayon, ay hindi parin ako makapaniwala na siya ang gumahasa sa 'kin. Muntik na naman niya akong gahasin ulit. Akala ko ay walang magliligtas
sa 'kin katulad ng dati, ngunit dumating si Reagan.

Nalulungkot ako dahil feeling ko hindi ako nararapat kay Reagan. Hindi na yata maayos ang buhay ko sa ginawa sa 'kin ni Jethro. Mas lalo lang akong natatakot at baka maulit ulit ang nangyari
sa 'kin. Sirang-sira na nag buhay ko dahil sa hayop na yun.

Siguro.. panahon na para iwanan ko si Reagan at magpakalayo-layo kami ni Isabelle. Hindi ako nababagay sakanya. May mas madaming babaeng nararapat sakanya, yung walang sabit, yung hindi nakakadiri.. katulad ko.

Kahit ako ay hindi ko masikmura ang kahayupan
sa 'kin ni Jethro. Halos mandiri ako sa katawan ko nang halik-halikan ni Jethro ang dibdib ko at dinidilaan 'to. Kaya ayaw ko na!

Bumangon ako sa kama at nakitang nakakabit ang dextrose sa kanang kamay ko. Tinanggal ko yun at kahit lumabas pa ang dugo ko ay wala na akong pakialam. Dahan-dahan akong bumaba ng kama saka pinakatitigan si Reagan.

Mapait akong ngumiti habang pinipigilan ang iyak ko para hindi siya magising. Napakapalad ko dahil naranasan akong mahalin ni Reagan, pero hindi ako nababagay sakanya.

Kinuha ko ang jacket na nakapatong sa paanan ng kama saka ko 'to sinuot.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa pinto saka ko pinihit ang siradura at binuksan ang pintuan.

Lumabas ako ng room at walang pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga tao. Nakayuko lang ako at deri-deritso akong naglakad palabas ng hospital.

Balak kong maglakad lang dahil wala akong perang pamasahe kong sasakay ako ng jeep. Dahan-dahan lang ang ginagawa kong lakad habang sapo-sapo ang tyan ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari
sa 'kin, samin ng mga anak ko. Gulong-gulo na ang isip ko at parang gusto ng sumabog dahil sa mga nangyari sa 'kin.

"Subukan mo lang humakbang palayo sa 'kin, Hope. Ikukulong talaga kita sa kwarto natin."

Napahinto ako sa paghakbang nang marinig ko ang baritonong boses ni Reagan.

Dahan-dahan akong lumingon sakanya at nakitang hinihingal siya at pawis na pawis ang nuo habang masamang nakatingin sa 'kin. "Balak mo ba akong iwan?" Tanong niya sa galit na boses.

"Reagan.." sambit ko sa pangalan niya.

Tumawa siya ng pilit saka ginulo ang magulo niyang buhok. "Tangina naman, Hope! Wag mo naman gawin sa 'kin 'to! Nagmamakaawa ako sa'yo!" Sabi niya saka lumuhod sa kalsada. Hindi ko mapigilang hindi umiyak habang pinagmamasdan si Reagan na nagmamakaawa sa 'kin.

Wicked Billionaire Series 3: Reagan Salazar (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon