Chapter 17

24.2K 497 88
                                    

NANDITO AKO SA KWARTO ni Reagan dahil ang sabi ng magaling kong anak na kaya na daw niya ang mag-isa sa kwarto at dapat ay sa iisang kwarto nalang daw kami ng daddy niya.

Wala akong nagawa dahil naka lock ang pinto sa kwarto ni Isabelle. Malamang si Reagan na naman ang may pakana nito.

Masama kong tinignan si Reagan na nakahiga sa kama habang may ngiti sa labi.

Tinapik niya ang kama saka 'to nagsalita. "Halika na, mon amour. Matulog na tayo!" Saad niya kaya mas lalo ko siyang inirapan.

Kumunot naman ang nuo niya saka umupo sa kama. "Wag mong sabihing matutulog ka habang nakatayo." Saad niya sa 'kin.

"Sinabotahe mo na naman ang anak ko no?" Tanong ko na agad naman niyang ikina-iling. Magsisinungaling pa eh, halata naman na siya na naman nag utos nito kay Isabelle. Hindi lang talaga ako makapaniwala na gagawin 'yun sa 'kin ni Isabelle, feeling ko tuloy pinalayas ako ng anak ko sa kwarto.

"Wala akong alam dyan, mon amour. Wag mo nga akong pag bintangan." Saad niya kaya naglakad ako papunta sa kama hanggang sa nakalapit ako sakanya at mabilis ko siyang binatukan.

"Aray naman, mon amour." Reklamo niya habang hinihimas ang binatukan ko.

"Sira ulo ka kasi. Tinuturuan mo ang anak ko—

"Anak natin. Anak ko si Isabelle kaya." Pagpuputol niya sa sasabihin ko. Hindi ako nakasagotng mabilis niya akong hinila kaya napaupo ako sa kama at agad na pinulupot ni Reagan ang dalawang braso niya sa beywang ko.

Pinagdikit ni Reagan ang mga nuo namin saka dinampian ng halik ang labi ko. "Dito ka nalang kasi matulog, mon amour." Malambing niyang sabi.

"Paano naman si Isabelle.. baka hindi sanay 'yun na walang katabi." Sagot ko.

"Kaya nga anak natin. Siya nga ang nagsabi sa 'kin na patulugin ka dito sa kwarto ko. Tapos ako ang pinag bibintangan mo. Ang anak kaya natin ang may pasimuno." Saad ni Reagan sa 'kin saka pinisil ng mahina ang tungki ng ilong ko.

"Bakit naman maiisip 'yun ni Isabelle?" Kunot nuo kong tanong.

"Ahm.. sabi kasi ng anak natin na gusto na daw niya magkaroon ng kapatid. Alam mo naman ako, mon amour. Handang ibigay ang hiling ng anak natin. Kaya sige na.. maghubad ka na para makarami tayo ng rounds." Naka ngisi niyang sabi kaya binatukan ko na naman sa ulo.

Nakanguso siya sa 'kin kaya inirapan ko siya. "Nakakainis ka, mon amour. Dapat kiss ang binibigay mo sa 'kin hindi batok." Reklamo niya.

"Sa sala nalang ako matutulog. Alam ko na ang binabalak mo, Reagan." Saad ko saka ako tumayo, ngunit napaupo lang din ako ulit ng hilain ako ni Reagan at mabilis na sinakop ng halik ang labi ko.

"Uhmmm.." ungol ko habang tinutugon ang halik na iginawad niya sa 'kin.

Bumaba ang halik ni Reagan sa panga ko hanggang sa hinahalikan na niya ang leeg ko. Naka awang ang mga labi ko habang nakahawak sa braso niya. "Reagan.." sambit ko sa pangalan niya kaya tumigil 'to sa ginagawa niyang paghalik sa leeg ko.

"I want you, mon amour. Gustong-gusto ko na talaga magka anak tayo. Pakasalan mo na kasi ako. Promise, magiging mabuti akong asawa at ama ng mga anak natin." Saad niya habang mapupungay ang mga matang nakatitig sa 'kin.

"Gusto mo na talagang mag-asawa?" Tanong ko dahil pangalawang beses na yata niyang sinabi 'to
sa 'kin.

"Yes. Ikaw nalang ang panagarap ko na hindi pa natutupad, Hope. Pangarap na akala ko ay hindi na mangyayari. Alam mo ba.. pangarap kong maging boyfriend mo, kaya tuwang-tuwa ako n'ong sinagot mo ko." Naka ngiti niyang sabi saka dinampian ng halik ang labi ko.

Wicked Billionaire Series 3: Reagan Salazar (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon