NAKAUWI NA KAMI sa bahay ni Reagan at todo alalay siya sa 'kin. Kahit sinasabi ko sakanya na ayos lang ako ay ayaw talaga niyang paawat.
Tuwang-tuwa kanina si Isabelle nang sabihin namin na magkakaroon na siya ng kapatid. Nililibang ko na nga lang si Reagan dahil alam kong hindi parin niya makalimutan ang ginawa niya ni Ma'am Debbie
sa 'kin.Ayaw ko na kasing lumaki ang gulo lalo na't magkaibigan ang ama ni Reagan at ama ni Debbie. Baka magkaroon lang ng lamat ang pagiging magkaibigan nila.
Hindi tuloy ako mapakali dito sa kwarto habang si Reagan ay nasa office niya dito sa bahay. Alam kong may plano siya para kay Debbie. Gusto kong wag na niyang ituloy ang pinaplano niya. Ayos naman na din ako lalo na ang baby namin ni Reagan.
Nakaupo lang ako sa kama at nag-iisip kong paano ko makukumbinsi si Reagan na wag ng ituloy ang binabalak niya.
Nakatulala ako habang nakatitig sa malaking bintana dito sa kwarto namin ni Reagan nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Lumingon ako at agad nakita si Reagan na may dalang tray at punong-puno ng pagkain.
Ngumiti ako sakanya kaya ngumiti din siya sa 'kin. Lumapit siya sa kama at inilapag ang dala niyang tray sa bedside table.
"Kumain ka ng marami, mon amour." Sabi niya
sa 'kin saka umupo sa tabi ko. Umuklo siya at pinantay ang mukha niya sa tyan ko. Napangiti ako ng pinatakan ng halik ni Reagan ang tyan ko."Ang sarap sa pakiramdam nang malaman kong buntis ka, mon amour." Sabi niya sabay umayos ng upo.
"Excited ka?" Nakangiti kong tanong sakanya.
"Yeah. Totoo talaga ang manifesting, mon amour. Tignan mo.. busog ka ng nine months." Sabi niya kaya mahina kong pinitik ang ilong niya. Naalala ko kasi lagi niyang sinasabi sa mga friends niya na buntis daw ako. Kaya ayon.. nagkatotoo na tuloy.
Kinuha niya ang babasagin na plato na may lamang cake at agad niya akong sinubuan. Tinanggap ko 'to agad kaya napangiti si Reagan.
"Nga pala, tanggal ka na pala sa trabaho, mon amour." Sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Huh? Bakit naman?" Kunot nuo kong tanong kay Reagan.
"Sa tingin mo papayagan pa kitang magtrabaho lalo na't buntis ka na. Ayaw kong mapagod ka, mon amour." Sagot niya sa 'kin. Napaka seryoso ng mukha niya habang nakatitig siya sa 'kin.
"Pero.. g-gusto kong magtrabaho eh. Tsaka, kaya ko pa naman. Kaya bakit mo ako tinaggal sa trabaho?" Tampo kong tanong sakanya.
Hindi siya sumagot sa tanong ko. Ngunit, bigla niyang inilapag ang hawak niyang plato sa kama saka siya lumuhod sa sahig.
Inabot niya ang isang kamay ko gamit ang isang kamay niya. Habang ang kanan niyang kamay ay may kinukuha 'to sa bulsa ng jogger pants niya.
Nakasunod lang ang mga mata ko sa ginagawa ni Reagan. Nanlaki ang mga mata ko ng may isinuot siyang magandang sing-sing sa daliri ko.
"R-Reagan.." nauutal kong sambit sa pangalan niya.
"Tinatanggal kita bilang secretary ko, dahil magiging asawa na kita, mon amour. Kailangan mo kong pakasalan at panagutan ang puso ko, mon amour." Sabi niya sa habang nakatitig siya sa 'kin na punong-puno ng pagmamahal.
Hindi ko alam ang isasagot ko sakanya habang umiiyak. Hindi ko mapigilang hindi mapa-iyak dahil sa sayang nararamdaman ko.
"Bibigyan mo ba ako ng pagkakataon na maging asawa mo, mon amour? Siguradong ako ang magiging napakaswerteng lalaki kapag nag yes ka." Sabi niya habang hinahaplos ang sing-sing na nasa daliri ko.
BINABASA MO ANG
Wicked Billionaire Series 3: Reagan Salazar (SOON TO BE PUBLISHED)
عاطفية||R-18🔞|| ⚠️Matured Content||✅Complete|| Under editing. Unang kita pa lang ni Reagan sa dalaga ay tumigil agad ang mundo niya sa taglay na kagandahan ng babae. Ngunit, may malaking problema dahil nakikita niya sa mukha ng dalaga na hindi 'to kompor...