NAKARATING KAMI sa Ilocos ni sir Reagan at agad kaming dumeritso sa isang sikat na beach resort dito.
Nandito kasi ang ka business meeting ni sir Reagan na hindi ko alam kung sino. Tag-isang room naman kami ni sir Reagan kaya pumasok na ako sa room ko. Hindi na ako pinasama ni sir Reagan, magpahinga nalang muna daw ako.
Humiga ako sa malambot na kama habang tanaw na tanaw mula dito sa kwarto ko ang magandang beach. Ang sarap siguro maligo mamayang hapon. Hindi naman sinabi ni sir Reagan na dito pala kami pupunta sa beach resort eh di sana naka dala man lang ako ng damit na pwedeng panligo. Ayaw ko ng bikini kaya ayos na siguro ang rash guard.
Pero dahil wala akong dala, mag sho-short nalang ako, pa-partneran ko nalang ng tshirt.Nakatanaw parin ako sa labas ng tumunog ang tyan ko. Balak ko sanang umorder ng pagkain pero naisip ko nalang na lumabas ng kwarto para naman maka langhap ako ng preskong hangin.
Nagpalit nalang muna ako ng damit at kinuha ang hindi masyadong maikling short saka ako kumuha ng blouse.
Inilugay ko ang buhok ko na nakatali kanina saka ko 'to sinuklayan para naman mag mukha akong tao. Kinuha ko lang ang wallet ko tsaka cellphone saka ako lumabas ng room ko.
Sumakay lang ako ng elevator para magpahatid sa lobby. Maghahanap ako ng makakainan sa labas dahil nakita ko kanina nong pumasok kami sa hotel na 'to ay may mga nagtitinda ng mga pagakain na naka pwesto sa mga kubo.
Bumukas ang pintuan ng elevator kaya agad akong lumabas at nag lakad palabas ng entrance ng hotel. Palinga-linga ako sa paligid kung saan ako unang pupunta. Nakita ko na may mga restaurant din pala na mamahalin dito pero halatang hindi ko afford kaya doon nalang ako sa mga kubo-kubo kanina. Sana may mga inihaw silang tinitinda dahil matagal na akong hindi nakakain n'on. Gusto ko ng inihaw na pusit kaya yun talaga ang unang hahanapin ko.
Bumaba ako ng hagdan para puntahan yung mga kubo na nadaanan namin kanina. Ngunit, napahinto ako ng may mahagip ang paningin ko sa isang restaurant. Kitang-kita mula dito sa kinatatayuan ko si sir Reagan. May kasama pa siyang magandang babae. Naka sideview sila sa gawi ko kaya hindi ko masyadong makita ang mukha ng babae pero sa kutis palang niya ay halatang maganda at mayaman.
Nanlaki ang mga mata ko ng hawakan ng babae ang balikat ni sir Reagan saka pinisil 'to. Ngunit, agad tinaggal ni sir Reagan ang kamay ng babae na nasa balikat niya saka niya pinagpagan ang balikat niya. Siguro nandidiri 'to na hinawakan ng babae. Si momshie talaga!
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng lumingon si sir Reagan sa gawi ko. Kahit medyo malayo ako ay nag kasalubong parin ang aming tingin. Hindi ko nga alam kung bakit bigla nalang nagkaganito ang puso ko. Hindi naman ako kinakabahan ahh. At tsaka, bakit naman ako kakabahan.
Tumayo si sir Reagan saka 'to lumabas ng restaurant. Hindi ko tuloy alam kung aalis naba ako or hihintayin ko siya. Papunta kasi siya sa 'kin at iniwan niya ang babaeng kasama niya sa loob ng restaurant.
"Where are you going?" Tanong niya sa 'kin saka bumaba ang tingin niya sa suot kong short. "At bakit ka nakasuot ng short? Masyadong maikli," saad niya sa 'kin. Napakaseryoso pa ng mukha niya habang ang panga nito ay gumagalaw.
"Hindi naman maikli momshie eh. Ay!! sir Reagan pala," saad ko. Minsan talaga nakakalimutan ko na bawal siyang tawagin ng momshie pag nasa public place kami.
"Magpalit ka ng damit mo. Mag pantalon ka nalang. Alam mo bang ang daming lalaki na pakalat-kalat dito sa resort?" Sa k niya sa galit na boses. Bigla tuloy akong natigilan sa sinabi ni sir Reagan. Tama siya, ang dami nga palang lalaki dito. Kasi naman eh, gusto kong kumain ng inihaw na pusit kaya nawala sa isip ko.
"Ahm.. oo nga pala," sagot ko nalamang kay sir Reagan.
"Saan ka ba kasi pupunta?" Tanong niya sa 'kin.
BINABASA MO ANG
Wicked Billionaire Series 3: Reagan Salazar (SOON TO BE PUBLISHED)
Romantik||R-18🔞|| ⚠️Matured Content||✅Complete|| Under editing. Unang kita pa lang ni Reagan sa dalaga ay tumigil agad ang mundo niya sa taglay na kagandahan ng babae. Ngunit, may malaking problema dahil nakikita niya sa mukha ng dalaga na hindi 'to kompor...