Chapter 26

20.7K 402 45
                                    

⚠️WARNING‼️

KINAKABAHAN akong nakatitig kay Jethro habang tinatago ko si Isabelle sa likuran ko.

Dahan-dahan siyang naglalakad palapit samin kaya mas lalo akong natakot. Pilit kong nilalakasan ang loob ko kahit natatakot ako.

"A-Anong ibig mong sabihin?" Nauutal kong tanong kay Jethro.

"Hindi mo ba naalala?" Tanong niya habang ngumisi sa harap namin. Bumaba ang tingin ni Jethro kay Isabelle kaya mas lalo kong itinago ang anak ko sa aking likuran.

Ngunit, bigla akong nagulat ng mabilis na lumapit si Jethro samin at agad na hinila ang sling bag na nasa katawan ko at hinila si Isabelle palayo sa 'kin.

"Bitawan mo anak ko!" Sigaw ko kay Jethro at mabilis na hinawakan ang anak ko sa kamay. Pilit kong hinihila si Isabelle mula kay Jethro ngunit mabilis niya akong tinulak.

"Wag kang mag-alalaa, hindi ko naman sasaktan ang anak natin." Sabi niya saka naglakad ito palayo
sa 'kin at lumapit sa isang kwarto.

Agad akong tumayo at hinabol si Jethro para agawin si Isabelle. "Ibaba mo anak ko!" Pigil ko sakanya. Ngunit, hindi siya nakinig at ipinasok ang umiiyak kong anak sa kwarto at agad isinara ang pinto.

Mas lalo kong narinig ang malakas na iyak ni Isabelle sa loob ng kwarto kaya naiyak ako.

Ngunit, natigil ang pag-iyak ko ng humarap sa gawi ko si Jethro. Nakita ko siyang naglalakad papunta
sa 'kin kaya napa-atras ako.

"Wag kang lalapit sa 'kin. Wag mong subukan." Umiiyak konh sabi sa sobrang takot. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Hindi ako makapaniwala na si Jethro ang gumahasa sa 'kin dati.

"Bakit.. mo g-ginawa sa 'kin 'to? B-Bakit mo s-sinira buhay ko?" Umiiyak kong tanong sa matalik kong kaibigan.

Mapait siyang ngumiti sa harap ko bago siya nagsalita. "Matagal na kitang gusto, Hope. Simula palang ng mga bata pa tayo. Ngunit, hanggang kaibigan lang ang tingin mo sa 'kin." Sabi niya at biglang nagbago ang expression ng mukha niya.

"Naiinis ako sa t'wing may kasama kang lalaki dati. Mas lalo pa akong nainis ng malaman kong may boyfriend ka. Akin ka lang dapat eh. Tayong dalawa ang bagay dahil tayo ang magkasama palagi." Sabi niya sa galit na boses. "Kaya umuwi ako no'ng araw na yun para kunin ang para sa 'kin." Dagdag niyang sabi saka ngumisi ng nakakaloko sa harap ko.

"Tandang-tanda ko pa mga iyak at ungol mo habang umuulos ako sa loob mo." Sabi niya. Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko.

"Walangya ka! Mag babayad ka sa ginawa mo
sa 'kin!" Galit kong sigaw sakanya.

Tumawa siya ng mahina at mas lalong naglakad palapit sa 'kin. "Pananagutan naman kita Hope. Pananagutan ko ang anak natin." Sabi niya.

Umaatras ako palayo sakanya hanggang sa tumama ang likod ko sa pader. "Wag kang lumapit sa 'kin!" Pigil ko sakanya.

"Bakit hindi ako pwedeng lumapit sa'yo? Hindi ka dapat matakot sa 'kin dahil ako ang future husband mo, Hope." Sabi niya sa malambing na boses. Akmang hahawakan sana niya ako nang mabilis kong iniwas ang sarili ko.

"Wag mo kong hahawakan. Demonyo ka! Dapat sa'yo mabulok sa kulungan!" Galit kong sigaw sakanya.

Tumawa siya ng mahina habang umiiling sa harap ko. "Hindi ako mahuhuli, Hope. Tignan mo nga.. hanggang ngayon malaya parin ako. Magaling kasi ako maglinis sa ginawa kong krimen." Saad niya saka hinawakan ako sa braso.

"Ano ba!! Bitawan mo ko!" Pagpupumiglas kong sabi hahang hinahampas ang dibdib niya.

"Walang ibang magmamay-ari sa'yo kundi ako lang, Hope." Sabi niya saka hinawakan ang tyan ko. "Papatayin ko ang lalaking yun. Hindi ka maagaw
sa 'kin ng boyfriend mo, Hope." Sabi niya sa seryosong boses.

Wicked Billionaire Series 3: Reagan Salazar (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon