Chapter 4

25.1K 533 8
                                    

INAAYOS KO ANG mga papeles habang hindi pa dumarating si sir Reagan. Nasa office table ako ng aksidente nahulog ang ballpen sa ilalim ng table ko. Dahil sa naka suot ako ng skirt ay hirap akong yumuko dahil medyo fit sakin kaya tumayo ako sa swivel chair saka ako umuklo para maabot ang ballpen ko sahig.

Nang makuha ko ang ballpen ay akmang tatayo na sana ako ng may marinig akong mga boses kaya hindi na muna ako tumayo dahil boses lalaki yun.

"Ang hirap naman ng pinapagawa mo sakin, pre!" rinig kong sabi ng lalaki.

"Basta gawin mo nalang kasi," sagot ng kausap niya. Alam kung si sir Reagan yun dahil kabisadong-kabisado ko ang boses niya kapag nagbo-boses lalaki kapag kaharap niya ang ibang mga empleyado.

"Bakit kasi ayaw mo pang umamin?" tanong ng lalaki na hindi ko alam kung para kay sir Reagan ba ang tanong na yun. Baka kasi may kasama pa pala sila at hindi palang nagsasalita.

"Aamin ako pag nalaman ko na ang nakaraan niya," sagot ni sir Reagan.

Naguguluhan tuloy ako kung ano ang pinag-uusapan nila. Napag desisyonan ko nalang na hindi muna tatayo dahil ayaw kong makita ang lalaking kasama ni sir Reagan.

Narinig ko ang mga yapak nila na naglalakad patungo sa harap ng pinto ng opisina ni sir Reagan. Sunod ko nalang narinig ay ang pag bukas ng pintuan ng opisina at ang pag sara nito ulit.

Tumayo ako mula sa ilalim ng table ko saka ko inilapag ang ballpen ko sa table. Kunot nuo akong iniisip ang mga narinig ko kanina.

Umupo nalang ako sa swivel chair at agad na bumalik sa pag aayos ng mga files. Baka kasi hingiin na sakin 'to ni sir Reagan mamaya.

Habang nag aayos ako ay panay ang tingin ko sa naka sarang pinto ng opisina ni sir Reagan. Unti-unting nanlaki ang mata ko ng may marinig akong tunog na lamesa. Medyo malakas yun kaya rinig na rinig ko.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin na may ginagawa ang boss ko at ang lalaking kasama niya sa loob. Palakas ng palakas ang tunog pero hindi ko alam kung bakit ganun nalang ang iniisip ko, baka naman kasi inaayos lang ang office table ni sir Reagan.

Kinuha ko nalang ang headset na nasa bag ko saka ko 'to inilagay sa teynga ko. Nag focus nalang ako sa ginagawa ko at hinayaan nalang yung kakaibang tunog na narinig ko kanina. Baka naman kasi papable ni boss yun at nag a-ano sila sa loob.

Nang matapos ako sa ginagawa ko at kinuha ko ang maraming folder na naka patong sa table ko. Aayusin ko muna 'to bago ko ibigay sa finance dahil kailangan na nila 'to. Napermhan naman na 'to ni sir Reagan kaya wala ng problema.

Pagkatapos kong gawin yun ay agad akong tumayo sa swivel chair ko para ihatid sa finance office saka narin ako de-deritso sa cafeteria. Nagugutom narin ako dahil hindi ako kumain kagabi at kaninang umaga ay nag kape lang ako.

Nakarating ako sa harap ng finance office, kumatok na muna ako saka ko binuksan ang pintuan. Inabot ko lang kay Mrs. Cabahit na agad naman siyang nag pasalamat sakin kaya nginitian ko siya saka ako nag paalam sakanya.

Tinungo ko ang cafeteria at agad bumili ng makakain, nag timpla narin ako ng kape para magising ang diwa ko. Ang dami ko pa namang gagawin ngayong araw.

Mag-isa akong kumakain sa table ng may nagsalita sa likod ko. Lumingon ako at nakita ang boss ko na naka pamulsang nakatingin din sakin.

"Nandito ka lang pala," saad niya sakin saka umupo sa bakanteng upuan na nasa harap ko.

"Sorry po sir, ang hapdi na ng tyan ko dahil hindi ako kumain kagabi. Hindi ako nakapag paalam po sa'yo dahil may bisita ka," panghihingi ko ng paumanhin.

Wicked Billionaire Series 3: Reagan Salazar (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon