Chapter 7

24.8K 541 23
                                    

DALAWANG ARAW NA kami ni sir Reagan dito sa Ilocus at bukas ay uuwi na kami. Nandito ako sa labas habang umiinom ng kape mag-isa. Hindi ko alam kung nasaan si sir Reagan, baka tulog pa 'to dahil masyado pa namang maaga.

Nakatanaw ako sa dagat habang humihigop ng kape saka ko kinuha ang cellphone ko na naka patong sa table para kumuha sana ng picture.

Nakayuko ako habang binubuksan ang password ng cellphone ko. Naramdaman kong may nakatitig sakin kaya nag-angat ako ng tingin para makita kong sino yun.

Kumunot ang nuo ko habang titig na titig ako sa mukha ng lalaking nakatayo sa harap ko.

"Hope.. ikaw ba yan?" tanong niya sakin. Napakurap-kurap ako ng ilang beses bago ako nagsalita. "Jethro?" saad ko na parang hindi sure kung siya ba talaga. Kababata ko kasi siya hanggang sa mag college kaming dalawa. Ngunit umalis 'to sa probinsya namin ng biglaan at pumunta ng Manila.

"Ako nga. Kamusta kana?" naka ngiti niyang tanong sakin at akmang lalapit 'to sakin.

"Teka.. pwede bang wag ka masyadong lumapit sakin. Kahit dyan ka nalang," saad ko habang nakataas ang isa kong kamay na parang pinipigilan siya.

"Bakit naman?" takang tanong niya sakin.

"Dahil babalian kita ng buto kapag lumapit ka kay Hope."

Napalingon ako sa likuran ko ng marinig ko ang boses ni sir Reagan. Masama itong naka tingin kay Jethro kaya agad akong tumayo para lumapit kay sir Reagan. Ewan ko ba.. kapag katabi ko si sir Reagan ay safe na safe ako.

"Ahm.. kababata ko po siya sir Reagan," malumanay kong sabi kay sir ng makalapit ako sakanya. Palipat-lipat naman siya ng tingin sakin at kay Jethro.

"Kamusta kana, Hope? Anong balita sa'yo?" tanong bigla ni Jethro kaya lumingon ako sakanya ngunit medyo malayo ang distansya namin.

"Okay lang naman," tipid kong sagot.

"Dito ako sa resort nag tra-trabaho. Hindi ko akalain na makikita kita ulit, Hope." naka ngiti niyang saad sakin.

Ngumiti ako sakanya ng pilit saka ako lumingon kay sir Reagan na seryosong nakatitig parin kay Jethro.

"Mamayang gabi may event na gaganapin dito. Punta ka, Hope. Ako bahala sa'yo katulad ng mga bata pa tayo," saad niya habang naka ngiti parin.

Lagi kasi kaming magkasama ni Jethro dati dahil magkatabi lang ang bahay namin. Sabay din kaming pumapasok sa school patin narin kapag umuuwi kami. Sobrang close kami dati ni Jethro pero ngayon.. hindi ako makatingin sakanya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito.

"Punta ka, Hope. Matagal-tagal din tayong hindi nagkita. Gusto ko din sanang kamustahin ang baryo natin kaya gusto kong makipag kwentuhan sa'yo," saad ni Jethro habang naka nguso pa sa harap namin ni Reagan.

"Bakla ang ampots," bulong ni sir Reagan dahilan para mapalingon ako sakanya.

"Sige." sagot ko kay Jethro. Lumingon ulit ako kay sir Reagan saka ko siya kinalabit. Kunot nuo siyang lumingon sakin kaya mahina akong natawa. Hindi ko alam kung bakit parang galit na galit siya.

"Pwede mo ba akong samahan mamayang gabi, sir Reagan?" tanong ko sakanya.

"Hindi mo na kailangan ng kasama, Hope. Nandito naman ako eh," sabay ni Jethro kaya lalong dumilim ang mukha ni sir Reagan.

"Sasama ako sa'yo, Hope. Mahirap na.. baka may manyak na lumapit sa'yo." saad ni sir Reagan habang nakatitig parin kay Jethro.

Tumawa lang ng mahina si Jethro saka niya itinaas ang dalawang kamay niya na parang sumusuko. "Alis na ako, Hope. Naka duty pa kasi ako, kita nalang tayo mamayang gabi," saad ni Jethro sabay kindat sakin saka 'to naglakad palayo samin ni sir Reagan.

Wicked Billionaire Series 3: Reagan Salazar (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon