MAAGANG pumasok sa office si Reagan ngayong araw dahil may board meeting siya ngayon. Kaya kami lang ni Isabelle ang nasa bahay.
Balak naming umalis mamaya ni Isabelle dahil may bibilhin kami sa mall. Alam naman ni Reagan yun, ayaw pa nga ako payagan at baka daw mapagod ako.
Ngunit, kinulit ko siya kanina kaya napapayag ko siya.
Kumakain kami ni Isabelle ng agahan at kung anong pinag-uusapan. Bago kasi umalis si Reagan ay pinagluto muna niya kami ng breakfast.
Kanina din ay nakabalik na ang katulong na kinuha ni Reagan para magbantay kay Isabelle. Umuwi kasi si ate Jane dahil may sakit daw ang kanyang anak. Pinayagan naman ni Reagan kaya dalawang araw siyang wala dito sa bahay.
"Ate Jane.." tawag ko sakanya na busy nagwawalis sa sala.
"Po? Ano po yun, Ma'am Hope." Sagot niya saka tumigil sa pagwawalis.
"Sabay na po tayong kumain, ate. Mamaya ka na po maglinis." Sabi ko sakanya.
"Naku po, Ma'am Hope. Mamaya nalang po ako. Tapusin ko nalang po muna ginagawa ko po." Sagot niya sa 'kin.
"Mamaya na yan. Sabayan mo kami dito ni Isabelle kumain. Halika na dito ate Jane." Pamimilit ko sakanya kaya napakamot ito sa kanyang ulo.
Naglakad parin naman 'to papunta samin. Kumuha muna siya ng plato, kutsara at tinidor saka siya naglakad papunta sa mesa.
Nakangiti akong pinagmamasdan si ate Jane na nahihiyang kumuha ng pagkain.
"Mama.. wha time po tayo aalis?" Biglang tanong
sa 'kin ni Isabelle."Pagkatapos nating kumain anak." Sagot ko sakanya saka ko siya sinubuan ng pagkain.
Tumingin ako kay ate Jane saka ko siya nginitian. "Kumain ka po ng marami ate Jane. Wag ka pong mahihiya." Sabi ko sakanya.
"Salamat po, Ma'am Hope. Ang bait-bait niyo po. Nahihiya nga po ako sa'yo at kay sir Reagan. Ka bago-bago ko palang no'n isang araw umuwi agad ako sa bahay namin. Pasensya na po talag." Panghihingi niya ng paumanhin.
"Naku.. ate Jane, ayos lang po yun. Tsaka, kailangan ka ng anak mo kaya walang problema yun." Sagot ko sakanya. Ngumiti lang siya sa 'kin saka nagpatuloy kumain.
Nang matapos kaming kumain ay agad na niligpit ni ate Jane ang pinagkainan namin. Kami naman ni Isabelle ay pumanhik sa hagdan para makapag bihis na.
Balak ko sanang hindi isama si Isabelle pero ayaw pumayag ni Reagan dahil baka mahilo daw ako bigla. Sinabihan niya si Isabelle na kapag may emergency tawagan siya agad.
Hindi ko narin pinasama si ate Jane dahil inutusan siya ni Reagan ayusin ang isang kwarto para daw sa baby namin.
May gusto kasi akong bilhin sa mall. Bibilhan ko din kasi ng stocks ng pagkain si Isabelle dahil next week start na ang class niya. Hindi na tuloy kami naka punta ng disney land dahil nga sa sunod-sunod na nangyari.
Pumasok kami ni Isabelle sa kwarto para mabihisan ko siya. Nakaligo narin naman ako kanina dahil ang magaling na Reagan ay kinulit ako ng kinulit. Gusto niya kasing sabay kami maligo. Kaya ayon.. naka score na naman sa 'kin kanina. Pampagana daw niya sa work.
Nang mabihisan ko si Isabelle aya agad kong inayos ang buhok niya.
"Bibihis lang si mama sa kabilang kwarto anak ha!" Sabi ko sakanya.
"Sige po, mama." Magalang niyang sagot habang inaayos ang cute na sling bag niya at inilagay do'n ang cellphone niya.
Natatawa tuloy ako dahil bumagay ang suot niyang damit sa sling bag niya. May design kasi 'tong barbie at color red ang sling baga niya na may design na diamond.
BINABASA MO ANG
Wicked Billionaire Series 3: Reagan Salazar (SOON TO BE PUBLISHED)
Romance||R-18🔞|| ⚠️Matured Content||✅Complete|| Under editing. Unang kita pa lang ni Reagan sa dalaga ay tumigil agad ang mundo niya sa taglay na kagandahan ng babae. Ngunit, may malaking problema dahil nakikita niya sa mukha ng dalaga na hindi 'to kompor...