Chapter 13

24.4K 524 14
                                    

BALIK TRABAHO NA AKO bilang secretary ni sir Reagan. Ayaw sana niyang pumayag dahil sa bahay nalang daw ako kasama si Isabelle. Ayaw ko naman ng ganun.

Kaya walang nagawa si sir Reagan kaya pumayag nalang 'to. Walang mag babantay kay Isabelle kaya naisipan namin ni sir Reagan na isama nalang siya sa company niya.

Kaya ayon, nasa office ni sir Reagan si Isabelle. Pinapalabas ko nga dahil baka maistorbo niya si sir Reagan. Pero, pagpasok ko sa loob ng office ni sir ay tahimik na naka upo si Isabelle habang nag dra-drawing katabi ni sir Reagan na nagbabasa ng mga papeles.

Kukunin ko sana si Isabelle pero sumenyas sa' kin si sir Reagan na hindi daw. Maging ang anak ko ay sinenyasan din ako na ginagaya pa talaga ang galaw ni sir Reagan. Mahinaw nalang ako natawa dahil close na close talaga silang dalawa. Ito pa ang pinaka malupit, pareho pa 'yan sila ng kulay ng damit. Gusto ni sira Reagan na same color sila ng damit ni Isabelle.

Inaayos ko ngayon ang pagkain dito sa office ni sir Reagan. Tanghali na kasi kaya kakain na kaming tatlo. Maaga ako nagising kaninang umaga para mag luto ng baon namin.

"Mon amour, ang sarap ng luto mong nilaga," naka ngiting sabi ni sir Reagan. Masama ko siyang tinignan dahil mang u-uto na nga lang huling-huli pa.

"The best talaga ang luto mong nilaga,"dagdag pa niyang sabi kaya inirapan ko. Paanong hindi ako maiinis eh, hindi naman nilaga ang niluto ko kungdi sinigang. Ganun ba ka pangit ang lasa ng luto ko at para sakanya ay naging nilaga.

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at baka mabatukan ko pa siya gamit ang kutsarang hawak ko.

Sinusubuan ko si Isabelle habang si sir Reagan naman ay feel na feel ang paghigop ng sabaw. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sakanya.

Pagkatapos naming kumain ay agad kong niligpit ang pinagkainan namin. Tinulongan naman ako ni sir Reagan at siya narin ang nag tapon sa basurahan. Umorder pa kasi siya ng pagkain para kay Isabelle sa fast food.

"Anak, gusto mo bang sumama sa' kin sa labas? May bibilhin lang si mama," saad ko sa anak ko.

"Sige po, mama." Sagot niya agad saka 'to tumakbo papunta sa' kin.

"Anong bibilhin mo, mon amour?" Tanong sa' kin ni sir Reagan na tumayo pa mula sa pagkaka upo niya sa swivel chair. "Sama ako!" Matigas niyang sabi.

"D'yan lang kami sa baba. May bibilhin lang ako dyan sa katapat na building," sagot ko. Katapat kasi ng building na 'to ang isang mini grocery store. Gusto kong bumili ng korean juice do'n, lagi kasi akong bumibili pagkatapos kong kumain. Kaya bibilhan ko din si Isabelle para matikman din niya.

"Sama nalang kasi ako," saad ulit ni sir Reagan.

"Wag na po, sir. Babalik din naman kami agad. Bibilhan nalang din po kita at baka magustuhan mo," pigil ko sakanya. Bumuntong hininga naman siya saka 'to tumango.

"Mag-iingat kayo sa pagtawid sa kalsada," saad niya na akala moy tatsy namin ni Isabelle.

Ngumiti lang ako saka ako tumango at hinawakan ang kamay ni Isabelle. Naglakad kami papunta sa pinto saka ko 'yun binuksan at lumabas ng opisina ni sir Reagan.

Pumasok kaming dalawa ni Isabelle sa elevator habang magkahawak parin ang kamay. "Gusto mo ba ng juice, anak?" Tanong ko.

"Opo, mama. Gusto ko po ng apple flavor," masayang sagot ng anak ko.

Napangiti ako sabay ayos ng buhok ng anak ko. Hindi kasi maayos ang pagkakatali sa buhok niya. Parang ewan talaga 'to si sir Reagan. Siya kasi ang nag-ayos ng buhok ni Isabelle.

Bumukas ang pintuan ng elevator kaya lumabas kami ni Isabelle.

Mgakahawak kamay kaming lumabas ng building at palinga-palinga ako sa kalsada para makatawid kami ni Isabelle.

Wicked Billionaire Series 3: Reagan Salazar (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon