"What happened with that one week?" Umiling lang ako at ngumiti bago bumalik sa upuan ko dahil pumasok na ang lecturer namin.
"Miss Maurice, good thing narito ka na. Ayos na ba ang pakiramdam mo hija?" Gusto kong ikunot ang aking noo pero naisip kong baka iyon ang ginawang alibi ni tita Meisha para sa akin.
Tumango ako sa lecturer bago ngumiti. "Yes po, I'm very sorry for the absences, please let me make up for all I've missed."
"Sure, puntahan mo ako sa faculty after ng class mo." Mabuti na lang talaga mabait ngayon si Ma'am h,k.
Iyan na ang tawag ko sa kaniya dahil precalculus ang subject niya. Nagsimula na siyang i-play ang PowerPoint presentation niya nang may dumating na estudyante. Mayroon daw silang emergency meeting sa faculty. Magsasaya na sana ako pero may iniwan siyang sasagutan.
Thirty items, recorded seat work. What in the world, ang dami.
"What happened?" Napalingon ako sa tabi ko nang magtanong siya. Huminga na lang ako nang malalim bago sinagot ang tanong ni Lai.
"Severe hyperpyrexia."
"Okay ka na ngayon?" Tanong niya ulit, wow, close ba kami?
"Okay na. Sige magsasagot na ako kaya tumahimik ka na rin." Tinitigan ko ang printed activity na sasagutan namin pero kahit isa ay wala akong maunawaan.
Napahinga na lang ako nang malalim bago dumukdok sa desk ko pero bago pa lumapat ang ulo ko sa mesa ay nasalo na iyon ng kamay ni Wesley.
"Don't sleep, I will teach you." Saad niya pero umiling ako.
"Mamaya na ako magsasagot. Matutulog muna ako. Jet lag." Pagrarason ko kahit pa noong isang araw pa ako nakauwi.
"You only have an hour, that's 35 items." Oo nga pala, ang dami naman kasi ng ibinigay niya.
Umayos ako ng upo at tinignan muli ang papel ko, kaya ko naman palang sagutan ang number 4. Number 4 nga lang.
Kinuha ko na ang papel ko at nagsimula nang magsagot pero mabilis din nawala ang konsentrasyon ko dahil sa eroplanong papel na naglanding sa table ko.
Tinignan ko ang mga kaklase ko pero abala silang lahat kaya hindi ko na lang pinansin. Inilagay ko iyon sa tabi bago nagsimula ulit pero muli akong na-distract dahil kinuha iyon ni Kira.
Inangat ko na lang ang ulo ko para makita siya. "Aanhin mo iyan?" Tanong ko sa kaibigan pero umiling lang siya at bumalik sa upuan niya dala ang eroplanong papel.
Weird.
"The opening of the parabola is on the right, are you sure you're using (x-h)² = 4p(y-k)?"
"Akala ko ito iyong equation na dapat gamitin kapag nasa standard form?"
"Yes if the opening is upward or downward. Pero sa question, pa-right siya."
"Ayaw ko talaga ng math."
"You're not trying yet, do what you can, I'll check it later." Another heavy sigh. Hindi ko talaga alam kung kailan ko magugustuhan ang math.
Hindi ko naman expected na ganito pala ang math sa STEM, simpleng bilog at oblong na lang pinapakumplikado pa. Kapag talaga nakatapos ako isusumpa ko ang math na ito.
Mabilis ko namang natapos ang activity kaya lang, tama nga sila. . . In mathematics, when you feel like it is too easy, then you're not doing it right.
Bumalik ang papel ko galing sa desk ni Wesley na puno ng green ink, ibig sabihin ay marami akong mali.
"Please don't be confused with the formulas," tumango na lang ako at nakinig sa mga sinasabi niya. In fairness, may natutunan naman ako sa turo niya kumpara sa lecture ng proctor namin.
BINABASA MO ANG
Reaching the Sky | ✓
RomancePHOENIX SERIES 3 At a young age, Mau's life is already a drama to watch; she experienced loss after loss and pain after pain until Wes came in the picture. In the middle of her blues, he hugged her. He showed her that there is more to life than that...