I woke up when someone gently patted my shoulder. It was dad, with my blurry vision I sat properly. Noon ko lang din napansin na nakahilig na pala ang ulo sa balikat ni Wes na tulog na rin.
Napangiti ako, inayos niya pala ang posisyon namin. Of course nakakahiya naman na maabutan nila kami na magkayakap habang tulog.
I looked at the clock hanging on the wall, it's four in the morning. I yawned before closing my eyes again and forcing myself to stand.
"We will go ahead. Thank you, Attorney Kennedy." Daddy stated but he seemed reluctant to leave. He scratched his eyebrow.
"I'm sorry I forgot to introduce her properly, this is Maurice, my daughter." Ngumiti ang ate ni Wes bago ako marahang niyakap.
"Hang in for awhile. Malapit na tayo matapos." Kumunot ang noo ko pero hindi na lang ako nagkomento. Tumango ako at nagpasalamat bago kami lumabas ng opisina.
I texted Wesley that we will be going ahead. Kuya Markus and I went to Vatican Tower which was sound asleep.
Mabilis ang naging pagkilos ko para makuha ang lahat ng gamit ko. Kahit wala pang maayos na tulog ay parang gising na gising ako.
Matapos mailagay ang lahat ng mga gamit ko sa mga maleta ay nagsimula na kami ni Kuya Markus na guluhin ang loob ng unit.
Iyong parang sinalanta ng daluyong para if ever man na pasukin nila, maguguluhan sila sa nangyari. Binaril din ni Kuya Markus ang mga naka-install na CCTV.
Nagulat pa ako nang makita ko iyon pero ngumiti lang siya sa akin. "For safety measure."
Sabagay, mahirap nga naman ang trabaho niya. Even dad, I know he owns one.
Wewe
See you at Etruscan Tower.Inabot ni Kuya Markus mula sa akin ang dalawang maleta na naglalaman ng mga gamit ko bago kami dire-diretsong lumabas ng parking lot.
"You will be safe there, Ma'am." Tumango lang ako kay Kuya Markus. Talaga bang safe na ako roon?
Kung sabagay, mga Guevarra ang alam kong may-ari ng Etruscan Tower kaya malamang na mahigpit ang seguridad sa lugar. Isa pa based on the news ay doon daw namamalagi ang tagapagmana ng mga Guevarra kaya naman hindi pipitsugin ang kalidad ng kaligtasan sa lugar.
"Mabuti na lang at naisipan nang kapatid ni Attorney na ipahiram sa iyo ang unit niya. Kung sabagay, mababait naman ang magkakapatid na iyon." Aniyang may kung anong ningning sa kulay tansong mga mata. Tumango na lang ako.
"Pero kasi Kuya. . ." I felt like there is a need for me to say this to him. Hindi ko pa masabi kay Daddy dahil hindi pa ako handang makausap siya ulit.
Ayos lang na nasa paligid siya but talking to him. . . break muna pansamantala. At kung sasabihin ko naman ito kay Kuya Markus ay pwedeng siya na ang maging tulay ng komunikasyon namin ng ama ko.
"Ano po iyon?" Tanong niya sa akin.
"I joined the school band. Hindi po ba iyon magiging delikado para sa akin?" Sandali siyang natigilan bago nakapagsalita.
"Huwag ka lang lalayo sa kanila lalo na kapag nasa hindi ka pamilyar na lugar kayo. Humanap ka rin ng mapagkakatiwalaang tao sa kanila na pwede mong malapitan kahit anong oras."
Napaisip ako, sa band ay naroon sina Vien at Kira, hindi na ako mag-aalala. Plus Wes is also there. Pakiramdam ko ay hindi naman kami magkakaproblema.
"Ayos ka lang ba?" Tanong niyang muli. Tumango ako bago pinagmamasdan ang kalsada na ngayon ay buhay na buhay na muli.
BINABASA MO ANG
Reaching the Sky | ✓
Storie d'amorePHOENIX SERIES 3 At a young age, Mau's life is already a drama to watch; she experienced loss after loss and pain after pain until Wes came in the picture. In the middle of her blues, he hugged her. He showed her that there is more to life than that...