Have you ever been fond of surprises?
Well, I am not a fan of surprises but life is not yet done giving me those. Parang kulang pa ang mga bagay na nararanasan ko ngayon. Masyado pang maraming nakatabing para sa akin.
At hindi ko rin naman expected na ngayon iyon bubuhos. Sa dami nang pagkakataon ay ngayon pa talaga. Napangisi ako nang marinig iyon.
Kaya pala, sa tagal ng panahon ng pagmamatyag ko sa kaniya sa wakas ay lumabas din ang kulay niya. Sabagay, ikaw ba naman magkaroon ng inang nagtatago sa mata ng batas.
“Ayos ka lang ba? Nakangiti ka.” Napawi ang ngiti ko at napalitan ng kunot nang magsalita ang ate ni Wes.
“I have been observing her. I didn't know my hunches were right.” I admitted. Well, like what they say, women instinct can never go wrong.
“And what have you observed?” Tito Dustin asked.
“Uh, palagi po siyang nakasunod sa akin sa school. May mga kasama rin siyang mga men in black at isa doon ay nakita ko sa dati kong tower. Noong araw na nakatakas si Manang Neri.” Pinilit kong alalahanin ang lahat simula sa unang araw ko siyang nakita.
Kung hindi ako nagkakamali iyon ay noong nagpa-practice kami sa quadrangle. Hawak ko ang biyolin at sinasabayan ni Wes ng pagkanta ang pagtugtog ko.
“Pinakahuli po noong naaksidente si Daddy. She was smirking at me.” Kinilabutan ako habang pinagtatagni-tagni ko ang mga bagay na iyon sa aking isipan.
Lahat ng nangyari mula sa umpisa ay planadong planado, para silang nag-plantsa ang kaso nga lang ay masyadong matalino ang ama ko at ang mga kapwa niya nga abogadong narito ngayon sa harap ko.
Lutang ako nang matapos ang meeting na iyon. Sobrang dami kong naiisip. Bukas pa naman ay may pasok na naman. Mukhang kailangan kong ikonsidera ang suhestiyon ng daddy ni Kira.
Kailangan ko ng bodyguards. Pero hindi naman ako papasok bukas dahil sasama ako sa paghahatid kay daddy sa airport. Mom, Dad and Maureen is leaving for Italy tomorrow.
Napangiwi ako, the idea sucks, sana isinama rin ako. But I have to finish the school year. Malapit nang matapos, kaunting panahon na lang.
The next day, like what is planned, sumama ako sa airport para makita ang pag-alis nilang tatlo. Nasa tabi ko naman si Kuya Markus na kapwa ko nanunood sa mga pangyayari sa harap namin.
“Lumapit ka na Maurice, maya maya lang ay tatawag na ang private pilot ninyo.” Ani Kuya Markus. Tumango ako pero nanatili ako sa aking tayo.
“Sige na, matagal-tagal din ang six months. Para namang hindi ka daddy’s girl.” Tudyo pa niya.
Napailing na lang ako. Yeah, but that was ages ago. I went to my dad to hug him. Kanina pa rin kasi siya nag-aabang sa sasabihin ko.
“Please be well. Maghihintay po ako hanggang sa makabalik kayo at magawa ninyo ang pangako niyo para kina Tito Psalm.” Sambit ko matapos humiwalay sa kaniya.
He smiled, that same old smile he’s giving me when I achieved little things. A happy, proud and contented smile.
“I will surely be back, I will make up for everything and end all this crap. Okay? Just hang in there for a moment.” He said before kissing my forehead.
A gesture he always does when I wasn’t yet aware of life’s complications.
I nodded. Do I have other choice than making peace and living with the consequences of all their past judgements?
Buong araw na iyon nanatili sa tabi ko si Kuya Markus. Wary of my security and afraid of me breaking down. But I am done with that phase. Hindi na ako iiyak sa mga bagay na pwede kong malaman.
BINABASA MO ANG
Reaching the Sky | ✓
RomancePHOENIX SERIES 3 At a young age, Mau's life is already a drama to watch; she experienced loss after loss and pain after pain until Wes came in the picture. In the middle of her blues, he hugged her. He showed her that there is more to life than that...