8

16 5 0
                                    

I am savouring the taste of Tita Meisha's penne provencal vegetables when Lola broke the silence.

"It's Monday in the Philippines Maurice, don't you have classes?" I smiled at her and shook my head.

"Io faccio." I stated the reverse, her forehead creased but she didn't ask any further. Maybe Tita Meisha already explained to her why I was trembling at the airport when they fetch me.

"Sumunod ka sa akin kapag tapos ka na kumain." Tumango lang ako kay Tita bago nagmadali sa pagkain. Alam ko kasing busy siya at ayaw kong maubos ang oras niya kakahintay.

Nakatayo siya sa tapat ng malaking bintana kung saan kita ang siyudad nang makapasok ako sa opisina niya.

"I hired an agent to look after you," panimula niya na ikinagulat ko. Isinara ko na lang ang pinto at napako na roon ang aking mga paa.

"I once saw Manang Neri holding a knife while entering your room, since then, I get suspicious about her and turns out. My suspicions are right. Kaya aware ako sa sugat sa leeg mo."

Humarap sa akin si tita nang may malungkot na ngiti sa mga labi.

"Hindi ko pinansin kasi akala ko your parents are observant with their kids pero pinagpatuloy ko ang utos ko sa agent ko until I discovered, Ezekiel's cheating on Serina. Tama ako?"

Tumango ako kasabay ng pagbagsak ng butil ng luha sa aking mga mata.

"Y-yes tita. . . Hi-hindi ko rin po alam kung kailan nagsimula." Napasinghot ako dahil sa bikig sa lalamunan ko.

"Since two years ago pa, Belle."

"Po?" Lumaglag ang panga ko dahil sa narinig, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ibig sabihin, kaya ba nawala si daddy noong kinidnap ako ay dahil kasama niya ang babaeng iyon?

"Two years na, and at first I thought he's doing it to find evidences about your accident because that woman is the culprit of all the things that happened to you and Ate Vernice's family's death."

Napaupo ako sa sahig habang humihinga ng malalim, nakatingin lang sa akin si tita na parang sinasabi niyang tumayo ako at lakasan ang tuhod dahil hindi pa siya tapos sa mga rebelasyon niya.

"But based on the documents sent by my informant, your dad and that woman was engaged before Ezekiel impregnated Serina after a one night stand."

Tang ina. . .

I am a product of one night stand, does it mean they didn't really love each other kaya binalikan ni daddy ang Lailani na iyon?

"With that, I'm still seeking reasons, kilala ko naman ang daddy mo, he is a wise and just man. I know there's something he's trying to solve bukod pa sa kidnapping mo," lumapit siya sa akin at marahan akong niyakap.

"As for now, kailangan lang nating mag-ingat. Mag-stay ka muna rito for a week. Kailangan ko pa ng mas maraming evidences against that drug lord."

"A-alam niyo po?" Sumisinghot na saad ko.

"Alam ko Belle, alam ko ang lahat. Kaya rin kita kinuha sa mansion niyo ay hindi lang dahil gusto kitang protektahan laban sa Manang Neri na iyon. Gusto ko rin ilayo ka sa babaeng iyon, kayo ni Vaughn,"

"She hired people to kill us."

"That's Manang Neri for you and someone for Vaughn pero nahuli na ng mga Alextre, nasa Spain ngayon si Vaughn." Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi na iyon ni Tita. Mabuti naman at ligtas si Vaughn.

"No wonder Manang Neri did all the ways to kill me," I smirk despite my tears flowing freely down my cheeks.

"Yeah, and by now, your dad is aware. Hindi ko lang alam kung ano na ang balak niya." Sumabay ako sa pagtayo ni Tita saka ako dumiretso sa sofa at pinanood siyang kumausap ng tao sa telepono.

Reaching the Sky | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon