I tried so hard not to open my eyes when I heard my mom’s sobs followed by her soft voice telling whoever is there what happened to me when I was abroad.
“I was too frightened yesterday. Nasaktan ko na naman tuloy ang anak ko. Takot na takot ako, hindi ko kayang mawala sa akin ang anak ko. I have seen her like these a lot of times already pero kahit ilang ulit pa, hinding hindi ako masasanay o mapapanatag.”
Narinig ko ang sunod sunod na singhap mula sa kausap niya. Sinubukan kong buksan ang aking mga mata. Nakita ko roon ang mga kaibigan ko. Isinara kong muli ang mga mata at nagpatuloy sa pagpapanggap.
Alam kong kailangan ni mommy ang oras na ito para mailabas ang mga saloobin niya. Gusto ko rin iyon marinig kaya magpapanggap na lang muna ako. Ayaw kong matuon sa akin ang atensiyon kapag nakita nilang gising na ako.
“Mabuti na lang nariyan si Cross. Si Cross ang madalas na kasama ng anak ko,” narinig ko ang pagsinghot niya.
“Pero alam ko hindi si Cross ang gusto niyang makasama noong mga panahong iyon. Alam ko, kasi noong umalis kami after ng graduation. . . May hinihintay siya, pero hindi dumating.”
“I’m sorry, Tita.” Ang mahina at basag na boses na iyon ang nagpakabog ng puso ko. Rinig ko ang pagbabago sa monitor pero hindi ko iyon pinansin. Ang sakit, para akong sinasaksak ngayon.
“What’s going on?” Maureen stated as she come near me.
“It’s normal.” Cross answered. Of course he knew, I am awake but he’s covering me up.
“Pero wala na naman tayong magagawa kasi nangyari na iyon. Tapos na iyon. Ang panalangin ko lang ngayon ay makitang mabuti ang kalagayan ng anak ko. Simula pagkabata puro na lang pahirap ang nararanasan niya.”
Lumandas ang luha sa aking mga mata, hindi na napigilan ay napasinghot ako. Nakita ko ang mabilis na paglapit nila sa akin pero nanatili si Wes sa may pinto. Mariing nakamasid sa akin ang luhaan niyang mga mata.
I smiled before sniffing.
“Mommy,” I called. She sat on my bed and helped me sit. I hugged her tight and let myself loose in her arms.
Umiyak lang ako ng umiyak habang patuloy siya sa paghaplos sa aking ulo at likod. She told me things to calm me down but none of those can actually help me mend the pain.
I didn’t know until today, that I inflicted so much pain on her and on my sister while I was vigorously fighting against my inner demons.
Hindi ko naman sinasadya pero kasi. . . Hindi ko kailanman naisip na masasaktan sila ng ganito habang ginagawa ko ang mga iyon.
Ang gusto ko lang naman ay matapos na ang sakit na nararanasan ko without knowing that if I left, masasaktan sila. Will I be at peace once I reached the sky?
Is it really true that there is no pain there, in the sky?
“I’m sorry mommy. I’m sorry. I’m sorry. I’m sorry. Hindi. . . Hindi ko na po uulitin. Hindi na mommy. Hindi na. Hindi na.”
Paulit ulit kong sambit habang humihigpit muli ang kapit ko sa aking ina. Naramdaman ko ang kaniyang pagtango.
“Naniniwala ako sa ’yo, anak.” Marahan niyang sambit.
“Hindi na ako uulit mommy. . .” Hindi ko alam kung ilang beses kong binanggit ang mga katagang iyon bago ako muling kainin ng dilim dahil sa sobrang pagod at sakit ng aking dibdib.
Palagi akong matatag, noong mga panahong inaabuso ako ni Manang Neri, nanatili akong nakatayo. Nanatili akong lumalaban kahit pa nagpapalipat-lipat ako ng condo units. Hindi kailanman sumagi sa isipan ko ang magpakamatay o ang mamatay.
BINABASA MO ANG
Reaching the Sky | ✓
RomancePHOENIX SERIES 3 At a young age, Mau's life is already a drama to watch; she experienced loss after loss and pain after pain until Wes came in the picture. In the middle of her blues, he hugged her. He showed her that there is more to life than that...