5

22 4 0
                                    

"Mau gising na pasok na tayo!" Napabalikwas ako ng bangon at nakita ko si Vien na handa na sa pagpasok.

"Hala anong oras na?! Gagi bakit 'di mo ako ginising kagabi?! Paano ako napunta rito?" Halakhak ang isinagot niya sa akin.

"Nakatulog ka kagabi dahil bored na bored ka. Pinabuhat ka namin kay Wes tapos ito," inangat niya ang isang plastic, "damit mo, kagagaling lang dito ng mommy mo."

Tumango tango lang ako bago nagpaalam na maliligo na ako pero bago pa ako makapasok sa banyo ay natauhan ako. "Binuhat ako ni Wes?!"

"Hmm. Huwag ka mag-alala 'di ko naman siya pinaghagdan. Kakahiya sa laki mong 'yan!" Saad niya bago tumakbo palabas hindi tuloy ako nakaganti ng asar.

"Matangkad ako at hindi ako mataba, psh!"

Habang naliligo ay bumalik sa isipan ko ang nangyari kagabi, nakatulog ako matapos kong umiyak. Hindi naman sana ako matutulog noon ang problema lang ay ang boses ni Wesley na naghele sa akin, bagsak tuloy ako.

Pagdating namin sa school ay abala na naman ang mga tao, nauuna sa paglakad si Vien na binisita ang lahat ng booth. Napailing na lang ako at napangiti dahil mukha siyang kandidato pero napakunot ang noo ko nang makita ko ang lalaking may kulay abong mga matang nakamasid sa kaibigan ko. Siya iyong nasa fountain.

Saglit pa ay inangat niya ang camera at kumuha ng mga larawan. Akala ko ang mga booth lang ang kukunan niya ng larawan pero bandang huli ay si Vien na ang naging subject niya. Napangiti ako.

"Wesley's a jealous man, you know." Napakunot ang noo nang lingunin si Kai, issue na naman ito.

"So?" I asked raising a brow. "Am I supposed to build a billboard with that as a content?"

Humagalpak siya ng tawa. "Nah, that's not what I meant, but do you know him?" Tumango ako.

"He's been taking snaps of Vien since yesterday." Pag-amin niya. "Isn't it creepy?"

"Don't you know the guy's running for valedictorian? Kira's friends with him at mapili naman siya sa kaibigan. Besides, crush din iyan ni Vien." Nanlaki ang mga mata niya.

"Seriously? I wish everyone."

"Everyone is what, Kai?" We both looked back and saw Wesley holding a folder staring at us.

"Everyone will be having love life, hope all. Excuse me," pang-aasar niya pa bago tumakbo at umakbay Vien. Baliw talaga.

"Thank you about last night." Mahinang saad ko habang nakatingin sa kaniya. A genuine smile flashed in his eyes before nodding.

"No big deal," sagot niya bago naglakad patungo sa tabi ko. Sinilip ko ang hawak niya at kita kong folder iyon ng Phoenix band.

"Recruitment?" He nodded.

"We really need to create a new one for the NHSBC and Dean said that we might not be able to do gigs once final year in senior high arrives." He sighed, he looked bothered by the idea.

Mahirap ba talaga ang final year? Kasi kung kailangan nilang mag-stop baka nga mahirap. Pero kung gusto naman ay pwedeng gawan ng paraan.

"Sabagay, STEM kasi tayo." Tumango siyang muli bago kami nagsimulang maglakad patungo sa booth namin. Naroon na ang mga kaklase namin pawang busy sa pag-entertain sa mga schoolmate.

Naupo ako sa tabi ni Kira at tinitigan ang screen ng cellphone niya kung saan naroon ang mensahe ng kaniyang ina. Napakunot ang noo ko bago nag-iwas ng tingin.

Sa kabilang gilid ko naman nakaupo si RK na nagbabasa ng isang article ukol sa kandidatura ng kaniyang ama. Maganda naman ang pamamalakad ng kaniyang ama, maraming nagagawang proyekto at may kusang pagmamalasakit at pagmamahal sa nasasakupan.

Reaching the Sky | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon