11

21 5 0
                                    

With only a week left for us before the opening of the International Schools Athletics Association Season 80, we huddled in gym 4 for a whole day intense training. Excused kami sa lahat ng subjects ngayong araw ng Friday.

Mabuti na lang din dahil dalawang core subjects lang ang schedule ko pag Friday at isa na roon ang PE. Nakita ko na ang mga kaklase ko na pumasok pero napatigil dahil naroon kami.

Break din naman namin kasi pumunta muna kami sa stage habang sila ang nasa gitna. May announcement ang coach.

"Bago na ang first six natin dahil graduate na sila Torres at Vierro. Injured naman si Capili" Panimula niya. Ang lakas ng boses niya ay napatigil ang lahat. Walang kahit na sinong nagsalita. Nakakatakot naman kasi si Coach.

"The new first six, please stand and reach your duffle bags. Magpalit ng uniform para sa picture taking. Gusto ng dean na may banner tayo kung saan makikita ang mukha niyong lahat." Umayos ako ng pagkakaupo matapos kong ibaba ang tumbler ko.

"Point guard, 13, Madrid." Tinignan ko ang uniform na inabot sa kaniya ng assistant coach namin bago siya lumapit sa gamit niya.

Combination ng kulay berde at puti.

"Center, 21, Captain Abraham." Matangkad si Captain, siya ang pinakamatangkad sa amin. 6'3 siya.

"Power forward, 1, Hasegawa." Phew! Parang gusto ko rin maging part ng starting line up. Kaso kasi nandito pa ang senior ko kaya hindi ako pwede.

"Shooting guard, 19, Alextre." Lumaki ang mga mata ko at napatingin kay Coach.

"But coach ate Den is still here po." Tumango si coach bago tumingin kay ate Den.

"I will be playing for the under 18 so I need a substitute. So, I will count on you." Ngiti niya bago nakipag-fist bump sa akin.

Kinuha ko ang inaabot ni Coach Jurado sa akin. Hinintay naming matapos tawagin ang lahat bago kami umalis para maligo at magbigis.

May dalawang oras kami bago dumating ang sports photography coordinator ng school. Mabilis lang din natapos ang photoshoot, mabuti na lang din para naman makapagpahinga na kami.

Pinuntahan ko sina Kira matapos ang training ko, nagpa-practice sila ngayon. Malayo pa ako sa music room ay kita ko na ang mga nagkukumpulang mga taga-Science Class.

"Pasmado talaga bibig nito ni Kris!" Tawa ng isang lalaki.

"What? That's just a hypothesis unless. . ." Umarko ang kilay ng lalaki bago ngumisi.

Tinignan ko ang lalaking tinawag na Kris. Siya iyong kumausap sa akin sa fountain. Palagi siyang may dalang camera tulad ngayon. Sa pagkakaalam ko ay best friend siya ni Kira, pero hindi sila madalas magkasama dahil graduating na si Kris at running for valedictorian.

Matangkad siya, matangos ang ilong, kulay gray ang mga mata. . . Hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin dahil nakita ko si Vien sa sulok ng mga mata ko. Nakatitig siya sa lalaki habang patuloy ang kaniyang kamay sa pag-strum ng gitara.

Napangisi ako sa sarili ko. Mukhang alam ko na ang isa sa mga rason niya ng pagsali sa banda. Well, magaling naman kumanta at tumugtog si Vien pero ayaw niya ng spotlight.

Para akong baliw na todo ngisi habang pumapalakpak nang matapos sila. "So how's our performance?" RK asked. Tumango ako at binigyan siya ng dalawang thumbs up.

"Gold na!" I beamed. He chuckled before dragging me with him. Dire-diretso kaming lumabas ng Science Laboratory Building hanggang sa marating namin ang parking lot kung saan naghihintay ang sundo niya.

Reaching the Sky | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon