22

11 3 0
                                    

It is true, that we all have battles inside of us. Those battles sometimes made us stronger and alive but oftentimes, it kills us.

And if I am asked what's the biggest battle I have to face, this would be it. The battle I have never imagined I would be able to face one day. The battle I was certain I won't win.

But right now, I can feel it. . . I know, this one is given to me to conquer it. This is only a simple test to prove me that I am a fighter born to win. Because once I have finished and win this one, I am bound to conquer greater heights.

"Gwapo mo Wes panagutan mo ako!" Excuse me akin lang iyan. Ako lang papanagutan niya.

Diniinan ko ang pagguhit ko sa biyolin. Ito ang pinakapaborito kong parte sa kanta ng One Republic na Secret. Umaangat ang tunog ng hawak kong instrumento habang enjoy na enjoy ako sa pagtugtog.

Pag nilahad ang damdamin
Sana 'di magbago ang pagtingin. . .

Maingay ang mga tao hanggang sa matapos kami sa performance namin. Pagod akong naupo sa tabi ni Wes. Nandito kami sa backstage, magsisimula maya-maya and pageant na sasalihan namin. All set na kami parehas.

White shirt with a print of the pageant name, jeans and stilettoes for girls and same with boys but a sneakers for their feet.

Inangat niya ako ng bahagya para paupuin sa kaniyang hita. Matapos noon ay matunog siyang bumuntong hininga. Pagod din katulad ko. Naramdaman ko ang marahang paghaplos niya sa aking likod habang nakabaon sa leeg ko ang mukha niya.

Ganoon lang ang posisyon naming dalawa hanggang sa magtawag na ang host. Inayos ko ang sarili ko at ganoon din siya bago kami lumabas.

Tamad akong humilera at pinagdasal na matapos na kaagad ang bagay na ito. Enjoy naman over-all, malakas ang hakot ni Miss Pontifical sa audience, sa lalaki naman ay si Wes.

Halos gibain ng mga kaklase namin ang amphitheater nang tawagin si Wes bilang winner para sa lalaki. I cheered for him.

"Back out ako kapag hindi ikaw ang mananalong Miss." Bulong niya bago nagpunta sa unahan. Tatawa-tawa naman akong nagmasid sa kaniya. Pero dahil tinatawag ako bilang first runner up ay nakita ko ang mabilis na pagbaba ni Wes sa stage.

Hindi pa nga tapos! This guy, really?!

"Wes." Pagtawag ko sa kaniya, kunot noo siyang tumigil para lingunin ako. I smiled before catching up to him.

"What's that? Lagot ka kay Panot." I said pertaining to our new Dean. He didn't budge, he rolled his eyes.

"Sungit mo naman." Dagdag ko pa bago ko ikinawit ang braso ko sa braso niya. "Ikot na lang tayo sa mga booths."

Hindi siya sumagot pero hinila ko na siya. Nakapagpalit na kami parehas. Maraming booth ngayon pero isa lang ang nakakuha ng pansin ko. Ang booth ng grade eleven Einstein. Ang dating section namin.

Marriage booth kasi ang booth nila. Ito lang naman ang alam kong makakapagpakalma sa isang ito. Tahimik kaming naglakad palapit doon pero nauna na si Zia na may malapad na ngisi sa labi.

Maya-maya pa ay may nagsilapitang mga grade eleven sa amin.

"Hello po, may nag-request po kasi na ikasal namin kayo. Here po ang bouquet." Inabot sa akin ng babae ang pumpon ng bulaklak na gawa sa mga rosas at baby's breath.

"What? Who? Why? Tss." Umiling na lang ako bago sumunod. Wala akong reklamo dahil ito naman talaga ang plano ko. Nilingon ko si Wes na kunot noo but there is a ghost of a smile in his pursed lips.

Reaching the Sky | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon