13

24 5 1
                                    

Binalot kami ng katahimikan matapos niyang sabihin iyon pero siya rin naman ang bumasag noon.

"I'm sorry kung nabigla kita."

Tumango ako. Totoo naman na nabigla ako, akala ko kasi ay concerned lang siya sa akin bilang kamag-aral, parang si Lai. Pero iba na pala ang ibig sabihin ng mga ginagawa niya.

"I didn't. . ." I didn't know what to say...

Hindi ko maapuhap ang dapat na sabihin sa kaniya kaya itinikom ko na lang ang bibig ko. Masyadong natatabunan ng malakas na tibok ng puso ko ang kakayahan ng utak kong mag-isip ng matino. Ngayon lang nangyari sa akin ang mga ganitong bagay.

I sighed before looking at him, he's staring boldly at me. He smiled before looking away. Nagsimula siyang umugoy sa duyan na kinauupuan, marahan ang pagtayon na kaniyang ginagawa kaya gumagawa ng ingay ang mga bakal na nagsasalpukan.

Nang tumingala siya ay napatingin din ako sa itaas, maraming bituin sa langit at bilog na bilog ang buwan. Kung nang mga nagdaang taon ay kaya kong makuntento sa pagtingin sa langit dahil nangungulila ako, ngayon ay ibinalik ko kay Wesley ang paningin ko.

Hindi ko alam ang dahilan. Baka siguro dahil nagsawa na ako, o baka naman ubos na ang pangungulila dahil natanggap ko na. Tanggap ko na hindi na sila babalik pa. Pero ang taong tinitingnan ko ngayon, alam ko mananatili siyang nasa tabi ko.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa pagdaloy ng kirot doon dahil sa isipin. Masyado na yata akong masaya kaya sumasakit na ito. Nakangiti siyang lumingon sa akin at sinalubong ko ang malamlam niyang mga mata.

"I'm. . ." afraid that I am also feeling the same way for you. But I don't know how to express it.

"I'm going home now, Wes. You should go home too." I winced, that's not what my heart is telling me, it just slipped out of my mouth. He nodded once before standing up.

"Can I walk you to your tower?" I gulped before nodding. Now this is awkward. I silently played with the pebble on the road until we reached the entrance of the convenience store.

I faced him ready to say good bye, he lean a little to plant a soft kiss on my forehead.

"Get inside, I will leave once you're in." Malambing na sambit niya sa akin. Tumango ako at marahang ngumiti bago pumasok. Hindi ako lumingon kaya hindi ko alam kung umalis na ba siya pero nakita ko naman sa 'di kalayuan ang BMW Sedan nila.

Nang gabing iyon ay hindi ako nakatulog ng maayos. Iniisip ko ang mga sinabi niya at ang mga bagay na ginawa niya sa akin nang nagdaang mga linggo. Para akong nakalutang sa ere dahil napagtanto kong tunay nga ang sinabi niya.

It's far more than just liking. And I know, I am too, is feeling far from that. There is a connection between us that crossed the line. We are not just classmates, nor friends. . . The thing going on with us is more than that but there is no proper name to call it.

"Sembreak na!" Sigaw ni Vien. Tumango tango ako, ang bilis ng araw. Tatlong games na lang ang natitira sa amin, iyon ay kung magta-tie kami sa 1-1. Finals na kasi at tulad ng inaasahan, Pontifical ang kalaban namin.

Hindi naman na ako umaasang makakalaro ako dahil nakabalik na si Ate Den. Mas mabuti na rin iyon, at least, I left a graffiti on Satomil's wall. Na iyong pagtitiyagaan niya ay binigyan siya ng hard time at hindi siya makakabawi sa akin dahil hindi na naman ako tatapak sa court. Emotional damage.

"Saan ka sa semestral break?" RK asked.

"Sta. Catalina, siguro?" Natawa ako dahil wala naman talaga akong balak sa maikling break namin. Gusto ko lang ay matulog dahil kulang na kulang ako noon.

Reaching the Sky | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon