16

15 4 0
                                    

Legality day. Everyone is so excited for this day to come. A big party you always planned when you were younger, a series of whatever kind of eighteens and of course to finally experience what being adult is.

It is indeed, a day to celebrate. But not for me. Because as I went to my chair in the middle beside the tall cake, I know for certain, biggest responsibilities is about to toll on my shoulders.

Family responsibilities, my life decisions, my future career, perhaps, love life. Sobrang dami, tapos lahat ng iyan hindi mo na pwedeng bawiin kapag nakapagdesisyon ka na. Kasi nga matanda ka na, na dapat alam mo na lahat ng consequences ng mga desisyon mo sa buhay.

Pero sabi nila, once you turn eighteen, malaya ka na. Malaya ka nang gawin ang gusto mong gawin. Ang mga bagay na ipinagbabawal sa iyo noon ng mga magulang mo ay pwedeng pwede mo nang gawin.

Pero, to what extent can you call yourself malaya kung ang ibig sabihin noon ay pagwawaldas ng pera sa bar, pag-iinom at kung ano ano pang layaw.

Can you really call yourself malaya in the expense of risking your health. Just so you could try everything? Or perhaps, being free at the same time being your parents' headache.

I don't generalize, pero karamihan ng nakikita kong nakatuntong sa edad na ito, ganoon ang nangyayari. Maybe they are right, late teens and early adult years is where your curiosity is unstoppable but, we can control it.

We can mitigate the effect of being too curious about things. Maybe we should learn to focus on what's really important. What is needed and what our goals is, as we party wisely. Or as we socialize wisely.

I don't limit the freedom but freedom is always twinning with responsibilities.

"Anong secret ang meron sa kwintas, daddy?" Tanong ko habang magkasayaw kami. Umiling lang siya.

"Someday, malalaman mo rin. Until then, I would gladly announce that you are my daughter. Hindi ako kailanman nagsisi na nabuo ka, anak." Kumunot ang kaniyang noo, mirroring my expression.

"You are the best thing that ever happened to me. Yes I broke off a promise and probably a lot of hearts, the decision made me whole. Ito ang pinakamagandang desisyong ginawa ko buong buhay ko."

May kung ano sa mga bagay na sinasabi niya, ayaw ko mang tanggapin ang mga negatibong bagay sa aking isipan, para bang may kung anong nilalaman ang bawat salita niya. And that, I don't want it to happen.

Hindi na baleng hindi ko malaman ang mga sagot sa tanong ko, makita ko lang siyang inaalagaan ng maayos si Maureen ayos na ako.

"And I'm sorry for failing you. Your mom, your sister, this family." His voice shook and I offered him a genuine smile. Sa nagdaang linggo medyo umayos na ang ugnayan namin.

"You don't have to apologize anymore. Napatawad na po kita. At kung sakali mang hindi ka naniniwala, pwede po bang alagaan niyo na lang si Maureen nang tama? Gawin niyo sa kaniya ang mga bagay na ipinagkait niyo sa akin."

Namasa ang mga mata ko pero mabilis ko iyong pinunasan, sinalubong din ni Mommy si daddy para kalmahin ito dahil tapos na ang kanta.

Nag-aalalang lumingon sa akin ang host pero sinenyasan ko siyang magpapatuloy na kami. Last dance na naman. Siguro dito na lang ako iiyak ng malakas. Narinig ko ang malakas na hiyawan ng mga kaklase at kaibigan ko nang tawagin ang panghuling rosas.

Kanina pa umuulan ng pang-aasar kahit nasa candles pa lang kami. Si Zyan ang pinakamaraming kalokohang sinabi. Si Kira na seryoso at tagos sa puso, si Vien na maikli lang pero may life lessons disguised with a lot of inside jokes.

Reaching the Sky | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon