9

16 5 0
                                    

Matapos ang fireworks display ay isa isang dumating ang mga itim na sasakyan. Iyon ang sasakyan ng pamilya namin. Gulat akong napalingon kila lolo pero ngiti lang ang isinagot niya sa akin.

"Uuwi na po ba tayo? Tapos na ang party?" Tanong ko.

"Sei stanco e domani hai uno spettacolo. Devi riposare." Sambit ni Lola. Sumang-ayon naman ang lahat na kailangan na naming magpahinga dahil may performance pa kami bukas.

Naunang sumakay sina lolo at lola sa kotse na nakalaan para sa kanila samantalang si Tita Meisha naman ay kasama ang kasintahan niya sa sumunod.

"Sasabay po ako kina Tito Vince." Saad ko. Ngumiti sa akin si tito bago pabirong sinuntok si daddy sa balikat.

"Kabahan ka na Kiel, ako na ilalagay niya sa emergency contact sa ID." Biro ni Tito.

"Sige, fifty thousand per grading. Two hundred each year." Sagot ni Daddy kaya nagtawanan ang mga matatanda.

"Mas mahal pa sa flying school ng kuya Vyre mo, grabe naman." Tawa ni Tito.

"Pero sa kanila ka ba sasabay, 'nak?" Tanong ni Mommy na tinanguan ko. Isa pa, kotse ang sundo, isang driver, tapos silang tatlo. Saan ako sasakay? Magiging crowded kami sa likod dahil four seater lang naman iyon.

Kila kuya Vyre ay van, mas maluwag. "Siya sige, mag-iingat kayo."

Nagbeso pa bago kami sumakay. Una kami ni Ate Viel sa likod, sa tabi namin ay sina Kuya Vyre at Vaughn, nasa unahan naman sina Tito at tita.

"The 1975, sa lunes iyon, pupunta ba tayo?" Tanong ko kay ate. Nakita ko kasi ang billboard ng grupo. May concert pala sila dito sa darating na lunes.

"May ticket na ako. Kaso tatlo lang. H'wag na si Kuya nasa Greece naman siya noon. Lay over," saad ni ate.

"Hala pasalubong!" Sagot namin ni Vaughn.

"Ibabaon ko ang buong Santorini para sa inyo." Halakhak ni Kuya.

"Ibalot mo buong Greece, ang hina naman." Sagot ni Tito Vince sa anak.

"Ay papa wala po akong superpowers. Santorini lang ang afford ko."

"Edi h'wag ka na lang umuwi." Sagot ulit ni Tito kaya nagtawanan kami. Kaya lately mas nagugustuhan ko nang sila ang kasama kasi walang dull moments.

Malakas magbiro si kuya Vyre na sinasabayan naman ni Tito Vince, kaya palaging masaya ang aura nila. Samantalang kapag sina daddy ang kasama ko, iba ang pakiramdam.

Iyong tipong kumpleto naman kami pero may kulang. Hindi ko alam pero napapansin ko, mayroon nang nagbago.

Kung dati maalab ang samahan nila daddy at mommy ngayon mas malamig pa sila sa yelo. Kung hindi siguro dahil sa amin ni Maureen, naghiwalay na sila.

Although I can't blame my mom, kahit siguro ako ay magagalit sa asawa ko kung malalaman kong may anak ito sa iba.

Last month ko lang nalaman na hindi anak ni Mommy si Maureen pero hindi ako kailanman nakaramdam ng galit sa kapatid ko.

Reaching the Sky | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon