tw: clear depiction of suicidal attempts
"Arabelle," I stopped at the parking lot near Cross' car. He looked confused and hurt at the same time.
I reached fo his hand when he stopped infront of me. "I'm sorry," was the only word I said but I know, deep inside me there are words I can't explain.
He smiled at me. "It's okay. Alam mo you can always open up to me." Malalim siyang napahinga. Mukhang may gusto pang idagdag pero sinarili na lang muna.
Tumango ako, still sorry for making him look bad infront of our schoolmates.
"Why are you staring at me?" He nudge me making me wince automatically.
"Wala, mukha ka rin naman palang tao." Tumango tango pa ako. The tears finally drying now.
"Wow, you just noticed it now? After almost four years? Grabe ka na Arabelle." He scoffed. I rolled my eyes.
"Malay ko ba, hindi naman kita gustong tignan. Ang sakit mo kaya sa mata."
He held his chest and acted like he was too hurt of what I said but I know he's just making me feel better. Ganoon naman lagi.
Kapag may mga panahong bigla akong dinadalaw ng matinding lungkot ginagawa niya ang lahat. Para na nga siyang clown. Kahit marami ang tanong sa isip niya, inuuna niya pa rin ang kalagayan ko.
Like he is respecting my space and privacy.
"Grabe na talaga. Hindi na kita kinakaya sister." Umiiling na aniya. Hindi na ako sumagot at tumitig na lang sa papalubog na araw. Hapon na naman.
Mapait akong napangiti at dinalaw ng pangungulila nang maalala ko ang kaibigan ko. Lagi niya kasi itong ginagawa.
Noong mga nakaraang taon ay palagi siyang nagpapadala ng mga larawan ng papalubog na araw, sa isang beach. Pero ngayon ay malimit na. Nasa bagsakan year na kasi siya, sabi nga nila. Third and fourth year in engineering is the hellish years.
"Ang ganda ng kahel na langit 'no?" Tanong ko. Tumango naman siya at napansin ko ang kakaibang kislap sa kaniyang mga mata.
"Feels so calming. Parang healing." Saad niyang tumatango.
Sa ganoon natapos ang araw namin. Ilang ulit akong humingi ng tawad sa kaniya pero ang sabi naman niya ay ayos lang daw. Na hindi ko kailangan ihingi ng paumanhin ang bawat sakit na nararamdaman ko gayong hindi ko naman kasalanan na maramdaman ito.
That hurting is part of our lives but being sorry for your valid feelings is not. We are human, we have feelings and we are not responsible to explain it to people.
I sighed deeply and thought of Tita Meisha's offer. Suddenly, I felt the urge to feel better. Na hindi ko na dapat iaasa sa panahon ang paggaling ko mula sa trauma, dahil ako mismo ang dapat gumawa ng paraan para matulungan ko ang sarili kong lumaya sa mga pait ng nakaraan.
"What are you thinking?" Mom asked. We are here in the Philippines. Exactly in dad's tomb. Ngayon kasi ang third year death anniversary niya.
Ang bilis ng panahon. Tumingala ako sa langit bago bumuntong hininga.
"Marami na po akong kasalan, sobrang dami hirap na akong bilangin sila." Sambit ko. Mom draped her arm over my shoulder.
"And what's important is you learn from all those mistakes. Your growth will always be the top priority. Kaya nga tayo may mga laban sa buhay, para mag-grow tayo. Para mas maging matatag tayo."
"Pero counted ba ang pagiging suicidal ko sa growth na iyon? Kasi Mom parang hindi naman ako natuto sa bagay na iyon." I sobbed.
"Anak," ang kaninang marahang pag-akbay sa akin ay nauwi sa isang mahigpit na yakap.
BINABASA MO ANG
Reaching the Sky | ✓
RomancePHOENIX SERIES 3 At a young age, Mau's life is already a drama to watch; she experienced loss after loss and pain after pain until Wes came in the picture. In the middle of her blues, he hugged her. He showed her that there is more to life than that...