Featured Song
Palagi by TJ MONTERDENandito kami ngayon sa sementeryo sa Sta. Catalina dahil ipapakilala niya raw ako sa mama niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na hindi si Mommy Mandy ang mommy niya.
“Hi, mom.” Bati niya matapos maupo sa sapin na inilatag niya matapos niyang ibaba ang bulaklak at sindihan ang kandila. Nakaupo rin ako ngayon sa tabi niya.
Wendy Cardinal Kennedy
Her name is as beautiful as she was. I smiled, kung hindi siya na-depress noon, ano kayang nangyayari ngayon? Nilingon ko si Wes na nagbubunot ng maliliit na damong tumatakip sa puntod.
Maaliwalas ang kaniyang mukha pero hindi ko maiwasang isipin kung gaano siya kadurog noong mga panahong una kong sinabi sa kaniya na gusto ko nang magpahinga.
Noong unang beses na natunghayan niya akong nakabitin sa kwarto ko, sinabi ni Maureen na si Wes daw ang nakakita sa akin. Kung hindi raw pumunta si Wes ay baka hindi na nila ako naabutan.
Mabuti na lang na nagmadali siyang hanapin ako kasi kung hindi. . . Naramdaman ko ang marahang pagdampi ng mga daliri sa mukha ko.
Gulat akong napatingin kay Wes na ngayon ay kunot noo nang nakatingin sa akin. He lifted an empty bottle or mineral water and an alcohol as if explaining to me that he didn’t touched my face with his dirty hands.
“Naglinis po ako mahal ko.” Sabi ko na nga ba. Napailing na lang ako bago suminghap. Ako na rin ang nagpunas ng sarili kong mukha.
“Why are you crying?” Marahang tanong niya. Muli akong umiling bago ngumiti at humilig sa kaniya.
“Nothing, I’m just happy that finally, I met your mom.”
“You’ll see her in person later in your dreams.” Halakhak niya. Napaayos ako ng upo bago ko siya sinamaan ng tingin. Alam niya kasing takot ako sa mga multo.
“Dalawin mo siya mamaya, mommy ha?” Dagdag pa niya habang tumatawa. I frowned and rolled my eyes but he looks delighted.
Pinanood ko ang paghalakhak niya. Galak na galak sa napipikong pagmumukha ko. Wes reached for my cheeks, he gently massage them using his thumb.
“Don’t frown,” umirap ako dahil sa sobrang lambing ng kaniyang tinig. Normal naman na sa kaniya ang pagiging malambing pero hindi pa rin masanay-sanay ang mga paro-paro sa tiyan ko.
“At bakit kung nakaka-bwisit ka naman talaga?”
He leaned and whispered in my ears. I felt my cheeks flushed and my heart hammered wildly against my chest.
“You’re making me want to bed you. . .”
I smacked his head and he replied a soft moan. Goodness, this man!
“Mommy itong anak niyo nga po, napakahilig.” Sumbong ko na para namang maririnig niya ako at pagsasabihan ang anak.
“I’m very sorry mommy, she’s just so irresistible.” He said as if proving a point. A very relevant point.
“Irresistible. Panay ka sex wala naman assurance.” Mahinang bulong ko habang nanunulis ang nguso. Mukhang narinig niya yata ang sinabi ko dahil sinubukan niya akong yakapin pero umiwas ako.
“Hey,” tawag niya pero tumayo ako.
“Love come on, I mean. . .” Marahas siyang napasuklay sa buhok niya. “I have plans okay? Pero dahil sumusumpong ka, ayos lang ba na dito ko gawin?” Frustrated niyang tanong.
My forehead knitted. “Alin?” Inis pa ring anas ko.
Umayos ng pag-upo bago inabot ang bulsa ng pantalong suot. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano ang kinuha niya mula roon. Dahan-dahan niyang itinukod ang isang tuhod sa sapin bago binuksan ang velvet box.
BINABASA MO ANG
Reaching the Sky | ✓
RomancePHOENIX SERIES 3 At a young age, Mau's life is already a drama to watch; she experienced loss after loss and pain after pain until Wes came in the picture. In the middle of her blues, he hugged her. He showed her that there is more to life than that...