23

11 4 0
                                    

Saturday!

My favorite day of the week, because finally, schooldays is over. I sighed heavily before going inside daddy's office. Nagliligpit kaming dalawa ni Kuya Markus ng mga gamit ni Daddy dito sa opisina nila dahil hindi na naman siya papasok pang muli rito.

Natuloy ang disbarment nang magkaroon siya ng malay noong isang araw. Nasa isang normal room na siya pero kailangan pa ring obserbahan. Sabi ay kailangan daw siyang maoperahan dahil may damage na organ.

Kaso hindi pa pwedeng gawin ang operasyon dahil mayroon pang ibang inobserbahan sa kaniyang katawan.

"Phew! Hirap ah." Bulong ko habang inaabot ang nakapa kong libro sa tuktok ng shelf niya. Kumunot ang noo ko, bakit naman siya naglalagay ng libro dito.

Napahinga ako ng malalim nang sa wakas ay makuha ko ito. Nanliit ang mga mata ko nang makita ko ang isang librong parang thesis ang pagkaka-bind.

Pinagpagan ko ito bago ko muling tiningnan pero umarko ang kilay ko nang makita ang mga Roman numerals na nasa pendant ng kwintas na regalo niya.

Ang sabi ni Wes ang mga numerong ito ay ang birthday ko. June 08, 2002. Naramdaman ko ang pagtahip ng aking dibdib habang nakatitig ako sa libro.

"Let's go Ma'am Maurice," pagtawag sa akin ni Kuya Markus. Dala ang huling box ng gamit ni Daddy buhat ang desk nameplate niya sa kaliwang kamay at ang libro sa kanan ay sumunod ako sa kaniya palabas.

Kita ko ang nakiki-usyosong mga tao sa lobby habang pinapanood kami pero dire-diretso kaming dalawa patungo sa elevator.

"So paano na Kuya? Edi sa company ka na po? Kay Mommy starting on Monday?" Sunod sunod na tanong ko habang nasa loob kami ng lift. Tumango naman siya sa akin.

Bata pa lang ako nasa amin na si Kuya Markus. Isang tapat na right hand at kapamilya, napangiti ako, hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala na may mga taong katulad niya.

Bibihira kasi ang mga taong nananatiling tapat sa mga amo nila specially kapag mga ganitong pagkakataon. Bilib ako sa kaniya.

"Idadaan muna natin ang mga ito sa bahay niyo bago kita ihahatid sa hospital. Ayos lang ba sa iyo iyon?" Tumango ako, mas convenient iyon, one way kasi at mauunang madaanan namin ang village bago ang hospital.

"Oo naman po, Kuya." Tinulungan ko siyang maglagay ng mga gamit sa likod ng SUV namin bago ako naupo sa likod. Hawak ko pa rin ang libro.

Nakita niya ang hawak ko pero hindi naman siya nagtanong o nagpaalala na bawal hawakan ang mga gamit ni Daddy. Mukhang ayos nga lang sa kaniya na hawak ko ito dahil nagliwanag ang kaniyang mga mata nang makita ito.

"Alright, then. Let's go." Aniya bago isinaksak ang susi.

Tahimik kaming dalawa habang papalabas sa parking lot ang sasakyan. Sinimulan kong buksan ang libro at tumambad sa akin ang isang pamilyar na mukha kahit pa iyon ang unang beses ko siyang nakita.

Psalm Antonius Alextre
Pilot.
Died after a plane crash landed at London Heathrow Airport, United Kingdom.

Kumunot ang noo ko. Ito pala ang bunsong kapatid nila daddy. Napakurap kurap ako. Kaya pala pamilyar, xerox copy siya ni Tito Vince.

Peter Vincenzo Alextre
Engineer.
Died at an ambush in Tuscany Italy.

Nang buklatin kong muli ang libro ay tumambad sa akin ang seryosong mukha ng aking ama. Kuyom ang panga at mariin ang titig sa camera.

Ezekiel Elliott Alextre
Attorney.

Nang ilipat kong muli ang pahinga ay nalaglag ang panga ko. Ito ang mga sagot sa tanong ko. Larawan lang iyon ng board kung saan makikita ang iba't iba't mukha na pinagdudugtong ng isang sala-salabid na pulang tali.

Reaching the Sky | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon