37

15 3 2
                                    

Ilang araw na ang nakalipas pero hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang sinabi ni mommy sa akin nang gabing iyon. Itinanong ko pa nga kung bakit niya iyon ginawa pero ang sagot lang sa akin ni mommy ay dahil mahal daw ako ni Wes na malabo pa sa sabaw ng sopas.

Tahimik kong pinagmamasdan ang mga taong nasa labas ng simbahan. Nandito ako ngayon sa Sta. Catalina dahil ngayon ang araw ng kasal nila Vixen at Kaiden. Akalain mo iyon, sa hinaba ng prusisyon, sa dami ng mga iyakan at sakitan na nangyari, sa simbahan din pala ang hantungan nilang dalawa.

Isang mapait na ngiti ang pinakawalan ko nang makita ko si Wesley na kausap si Kaiden. Nagtatawanan pa silang dalawa, mukhang ayos lang naman siya, samantalang ako, hindi ko sigurado.

Dalawang linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin kami nagkakausap. Palagi siyang nasa hospital pero pinipilit kong maging abala sa trabaho, marami ang pasyenteng kailangan ako. Kapag naman sa bahay siya pumupunta ay pinipili kong huwag na lang umuwi. Dahil hindi ko rin naman alam kung paano pa siya kakausapin.

"Maurice!" Nilingon ko si Zyan na tumawag sa akin. "Picture tayong lahat!" Dahan dahan ang naging paglakad ko, ayaw ko nga sanang matapos dahil pagdating ko sa tabi nila ay pilit nila kaming pinagdikit ni Wes para sa picture.

"Sorry," mahinang ani ko nang magtama ang mga braso namin. Kita ko ang pagkunot ng kaniyang noo at pagtiim ng bagang pero wala siyang sinabi.

Unti-unting napawi ang tensyon na nararamdaman ko nang magsimulang magpalitan ng wedding vows ang dalawa, kumanta si Vixen para kay Kai at ang kaibigan ko naman ay ganoon din ang ginawa. Natawa ako nang bahagya, same brain cells talaga sila, noon pa man.

"You may now kiss the bride!" Nagkaingay ang mga tao, narinig ko pa ang kalokohan ni Janz na pinapapikit si Nichols para hindi raw mabahiran ng kamunduhan ang murang isipan nito. Ah, si Nichols nga pala ay isang tuta.

The reception of their wedding is at the garden of the Alextre Mansion. Tahimik akong nakaupo habang pinapanood ang mga tao na magkasiya, tapos na rin ang sayaw ng mag-asawa.

"Problema niyo?" Nilingon ko si Zia na kunot noong nakatingin sa akin.

"Ni?"

"Wes, may iba pa ba?"

"Marami." Sagot ko bago tinungga ang alak sa aking baso. Ngumiwi siya sa akin.

"Iyong lalaki last time, kuya iyon ni Cai, kaibigan ko dati no'ng nasa Pontifical pa ako. Do you have a past?"

"Bakit?"

"Wes was jealous of him."

"Why would he be jealous of him, Hekeziah?" Wala naman dapat siyang ipagselos dahil kaibigan ko lang naman iyon.

At kung sakali mang hindi, ano sa kaniya? Kung siya nagawa niyang makabuntis ng iba. . . bakit hindi ko kayang makipagkita sa iba? Ang unfair naman niya.

"Mahal ka ni Wes, Maurice. Bata pa lang tayo seryoso na siya sa inyong dalawa. Kahit wala ka rito, nanatili siyang tapat sa 'yo kahit na maraming nagpaparamdam sa kaniya. He did a lot of things for you that even it hurts him so bad, not knowing the reason why you wanted to be out of your relationship, he let you go. He respected you. He agreed on your terms because he love you so much. And that love almost killed him, literally and figuratively speaking. So, don't be unfair to him. If you no longer love him, talk to him. Kasi pagod na kami ni Kai na sunduin iyan sa bar sa loob ng dalawang linggo."

I stared at Zia, sa dami ng sinabi niya isa lang ang tumatak sa isipan ko.

"Almost killed him?" I echoed. She looked at me wounded, understanding and pity reflects her orbs. She nodded before gently patting my back.

Reaching the Sky | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon