17

9 4 0
                                    

There's a fire starting in my heart. . .

A flashback of how I was trained to sing echoed in my head. This is the song I chose because this song can showcase my singing capability and all the things I've learned since I was starting.

The song has a great build up and I know my audience could relate to this. And I was not wrong when they went wild as I enjoyed myself strumming the guitar and hitting the second chorus of the song.

You played it to the beat.

I ended the song with a smile before standing.

"Thank you!" I bowed my head and waved my hand but the crowd was requesting for another but it will be unfair to the others so they just manifested that I will be part of the band for them to hear more.

Dumiretso ako sa classroom na parang walang nangyari, kumain lang ako roon ng baon kong tanghalian dahil trip kong maging loner.

Mabuti na lang dahil tapos na ako nang magsipasukan ang mga kaklase ko. Tuwang tuwa sila nang makita ako kaya awtomatikong umangat ang kilay ko kay RK.

"May pasabog na comeback si accla." Tawa ng isang kaklase naming beki.

Papalapit na sa akin ang mga kaibigan ko kaya mabilis kong kinuha ang gitara at akmang ipapalo na iyon kay RK pero naunahan niya akong hampasin sa balikat.

"Aray!" Sigaw ko sa mukha niya dahil masakit talaga. Nasabi ko na bang baseball player siya? Batter pa ang posisyon niya.

"You didn't even informed me that you'll be joining." Ngumisi lang ako ng malaki kay Wes bago bumalik sa upuan ko. Rinig ko ang tampo sa kaniyang boses.

"That was a last minute decision." Nope, it wasn't.

"Right. But congratulations, you did so well. I'm proud of you." Napangiti ako sa sinabi niya. Sasagot pa sana ako kaya lang ay pumasok na ang lecturer namin.

"Miss Maurice, good thing narito ka na. Ayos na ba ang pakiramdam mo hija?" Gusto kong ikunot ang aking noo pero naisip kong baka iyon ang ginawang alibi ng parents ko para sa akin. Tumango ako sa lecturer bago ngumiti.

"Yes po, I'm very sorry for the absences, please let me make up for all I've missed."

"Sure, puntahan mo ako sa faculty after ng class mo." Mabuti na lang talaga mabait ngayon si Ma'am Astorga. Ang General Physics 1 proctor namin.

Deja vu, malala.

Nagsimula na siyang i-play ang PowerPoint presentation niya nang may dumating na estudyante. Mayroon daw silang emergency meeting sa faculty. Magsasaya na sana ako pero may iniwan siyang sasagutan.

Thirty items, recorded seat work. What in the world, ang dami.

Deja vu, malala (2).

"Na-dengue ka raw?" Napalingon ako sa tabi ko nang magtanong siya. Huminga na lang ako nang malalim bago tumango bilang sagot sa tanong ni Lai.

Iyon pala ang ginawa nilang dahilan, sabagay isang buwan at isang linggo akong wala.

"Okay ka na ngayon?" Tanong niya ulit, wow, close ba kami?

"Okay na. Sige magsasagot na ako kaya tumahimik ka na rin." Tinitigan ko ang printed activity na sasagutan namin pero kahit isa ay wala akong maunawaan.

Napahinga na lang ako nang malalim bago dumukdok sa desk ko pero bago pa lumapat ang ulo ko sa mesa ay nasalo na iyon ng kamay ni Wesley.

"Don't sleep, I will teach you." Saad niya pero umiling ako.

Reaching the Sky | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon