Minsan sa buhay may mga pagkakataon na magtatanong tayo kung deserve ba natin ang isang bagay. Dahil para sa atin masyado itong magarbo o hindi nababagay sa atin. Pero paano kung bigla itong sagutin; yes hindi mo talaga iyan deserve. Ano kaya ang mararamdaman mo?
Habang nakatitig ako sa likod ni Wes na abala sa pag-order ng pagkain namin, naisip ko ang bagay na iyan. What if Wesley is way too good for me?
What if hindi talaga ako ang ihinanda para sa kaniya? Hindi katulad kong may magulong buhay ang para sa kaniyang pinagpala ng langit. Mabilis na umukit ang ngiti sa aking mga labi nang lumingon siya para bumalik sa table namin dala ang dalawang tray.
Sinalubong ko siya sa gitna, kanina pa kami rito pero wala pa rin ang mga kaibigan namin. Last day of enrollment na namin ngayon. Nai-survive ko ang grade 11 kahit na halos araw araw kong isinusumpa ang precalculus at basic calculus.
He ordered me my favorite but it took me only three spoonful bites before I salivated with his food so I changed our trays. He didn't said a word, he just let me. When done, I grabbed my utensils again and yes! His foods were more delicious!
Why do boyfriends always order better foods?
"How was it?" He asked after I finished my plate.
"It tastes better than mine."
"Yep, that's the Thai style. My favorite."
Another new knowledge about him. Isang taon na kaming magkasama pero araw araw may bago pa rin akong nadidiskubre tungkol sa kaniya.
"Nag-enroll na raw sila kahapon." Kunot noong sambit ni Wes habang papunta kami sa parking lot. Katatapos lang magsara ng registrar's office at hindi sila nagpakita. Iyon pala enrolled na.
"Sino iyan?"
"Group chat." Kinuha ko ang cellphone at totoo nga na enrolled na sila. Bukod kasi sa chat na iyon ni Zyan ay mayroon na rin silang nai-send na proof. Ang class schedule.
Hindi na ako nag-abala na mag-rant sa chat dahil classmates naman kami at may kasama naman ako ngayon. Mas napaganda pa nga na wala sila rito ngayon dahil walang nanggugulo sa amin ni Wes.
"Do you have any plans for tomorrow?" Tanong niya sa akin, nakasakay na kami sa service niya pauwi na. Siya rin kasi ang sumundo sa akin kanina sa bahay.
Wala naman si Mommy o kaya si daddy kaya hindi ko siya naipakilala. Si Maureen lang ang nandoon na intrigang intriga na pero hindi nagsalita dahil naagaw ni Kimmie ang atensiyon niya.
"Wala naman akong plano. Saturday kasi. Normally pag Saturday sa bahay lang ako." Minsan nagbabasa ng libro sa library o 'di kaya naman ay tumutugtog sa rooftop. Simula noong huling session ko ay sinubukan ko nang tumugtog muli.
Successful naman ako sa mga practice ko, noong mga una ay may nginig pero kalaunan parang nasasanay na ulit ang utak at katawan ko sa nakagawian nito. Hindi ko nga lang alam kung kaya ko nang gawin kapag nasa harap na ako ng maraming tao.
I might ask Doctor Bondadchi about that some other time. Gusto ko na rin kasing bumalik sa pagtugtog, inggit na inggit na ako sa mga kaibigan ko. Sa circle kasi namin si RK lang talaga ang hindi nagbabanda. Marunong naman siyang mag-piano at drums pero ayaw ng mga magulang niya ng mga bagay na may kinalaman sa salitang fame. As if being politicians is inequivalent with being famous.
"Can we go out tomorrow? I'll pick you up 10 in the morning." With my forehead creased I nodded. I don't know what's his plan, we don't went to dates every Saturday, bukas pa lang.
"Okay," I mumbled when the car parked infront of our gate. Mabilis na bumaba ang driver niya para pagbuksan ako ng pinto.
"See you tomorrow, love." He kissed my forehead longer than usual, I closed my eyes and enjoy the tingling sensation his lips gave me.
BINABASA MO ANG
Reaching the Sky | ✓
RomancePHOENIX SERIES 3 At a young age, Mau's life is already a drama to watch; she experienced loss after loss and pain after pain until Wes came in the picture. In the middle of her blues, he hugged her. He showed her that there is more to life than that...