CHAPTER 47
3RD PERSON's POV
HINDI sinasadya na napatingin si Grey sa daliri at nanlaki nalang ang mga mata niya matapos mapansin na wala roon ang singsing.
Mabilis niyang tinapos ang pag-s-shower tsaka nagbihis at tumakbo palabas ng banyo.
He remembered that he removed his ring yesterday's night and put it in his wallet but where is it now?
Saan niya inilagay ang wallet?
Agad niyang dinampot ang hinubad na pantalon tsaka kinalkal ang bulsa no'n pero napatigil nalang siya dahil wala iyon doon.
“S-shit!” Kinakabahan na sambit niya.
He can't lose that ring. It's their wedding ring after all.
Mabilis siyang kumilos ulit tsaka lumabas sa kan'yang silid at bumaba sa unang palapag ng kanilang bahay.
Nang makarating ay agaran niyang tinungo ang sasakyan na nakaparada sa labas. He unlocked his car and quickly searched inside for his wallet, but once again, it was nowhere to be found.
There's no trace of his wallet at all.
“Damn it! Where the hell is it!?” Inis na sambit niya matapos lumabas sa sasakyan.
He's certain na inilagay niya iyon sa suot niyang pantalon pero bakit wala ito roon and it's not even his car.
Did he perhaps put it somewhere else? O nahulog ito? No. That can't be. Hindi p'wede!
“Think hard, Grey...” sambit niya sa sarili because he can't lose it.
He can't lose his wallet, especially not the ring inside of it.
“My room...”
Lumiwanag ang mukha niya nang maalala na hindi niya pa nga pala natingnan kung nandoon ba ang wallet niya o wala. Ang tiningnan niya lang kasi kanina ay ang bulsa ng pantalon niya but he didn't check his bed. Baka nandoon lang iyon. Nahulog siguro nang ihiga siya roon.
Mabilis siyang tumakbo papasok ng bahay nila at paakyat na sana ng hagdanan pero sakto naman na lumabas ang asawa sa kanilang kusina dahilan para mapatingin siya rito at magtama ang paningin nila.
“Where did you go?” Tanong ni Nevaeh na nagtataka kung ano ang ginawa ni Grey sa labas ng bahay nila at mukhang nagmamadali ito't aligaga.
She even saw him gulped before he avoided her gaze.
“Nothing,” mabilis at tipid na sagot nito kalaunan matapos mag-iwas ng tingin kaya kumunot ang noo niya.
“I see...” Tumatango nalang na sambit niya at hindi na ito inusisa pa.
“Then I'll bring your breakfast in your room. Just wait ther—” she was unable to finish her statement dahil pinutol na iyon ng asawa.
“There's no need for you to do that. I'm not hungry.” Malamig na turan nito kaya mas lalong kumunot ang noo niya.
Hindi niya maiwasan na hindi magtaka kung bakit ganito na naman ang asta nito sa kan'ya ngayon.
Ano na naman ba'ng problema nito?
Okay lang sila kanina ah. Pero bakit mukhang badmood na naman ito?
Wala naman siyang ginawa na maaaring ikabugnot na naman nito.
Napailing nalang siya.
Napaka-moody talaga nito masyado. Napahilot tuloy siya sa sentido na biglang kumirot.

BINABASA MO ANG
Ceo's Hated Wife's Secret
ActionAng asawa na kinamumuhian at pinahihirapan ni Grey sa kasalukuyan ay may sikreto pala. Sikreto na maging daan kaya upang maputol ang galit niya rito o mas lalong maging dahilan para kamuhian niya ito?