01

29 2 0
                                    


Medyo maingay ang paligid habang naglalakad ako sa school ground. Marami ring kumpol-kumpol na mga grupo ng estudyante sa gilid na nagkakamustahan at nagkukulitan sa isa't isa.

Today is my first day of school in Spraken Academy. Grade 12 na ako this year, my last year in senior high. Hindi ko nga akalain napakabilis ng panahon, parang dati lang ayoko pang mag paiwan kay mama sa school noong kinder ako.

"Ooooooi!"

Napalingon ako sa likod nang marinig ang pamilyar na boses ng isang babae.

"Nara!" Napangiti ako nang makita siya. Napansin ko rin na nagpagupit siya ng buhok hanggang sa balikat, bagay na bagay sa kaniya. At base sa ngiti niya, mukhang nag enjoy siya ang sobra sa bakasyon.

"Lia!" Niyakap niya ako agad at tumalon-talon sa tuwa. "Wahh! Namiss kita!"

"N-nara" Mahina akong natawa, at the same time ay nahihirapang makahinga dahil naiipit ako sa malambot na dibdib niya.

"Oh!" Nakahinga ako nang maluwag nang pakawalan niya ako. "May ibibigay ako sa'yo! Naalala kita no'ng nakita ko 'to kaya binili ko agad"

May kinuha siya sa bulsa at pinakita sa akin. "Charan!" Isang keychain na may pendant na itim pusa na may kumikinang na emerald eyes.

"Woah!" Kuminang ang mata ko nang makita ito. Mahilig kasi ako sa pusa, at alam ni Nara kung gaano ako ka obsessed sa kanila.

"Diba ang cute?! Kamukha niya si Shadow!"

"Sobrang cute!"

"Sabi ko na matutuwa ka 'e!" Humagikhik siya. "Wait, ilalagay ko sa bag mo" aniya at kinabit niya ito sa isa sa mga zipper ng bag ko.

"Ayan! Twinny na tayo, tignan mo!" Pinakita naman niya ang kaniya, which is an orange tabby cat. Pinagdikit namin ang mga shoulder bag namin at humagikgik sa isa't isa dahil sa kilig. Para na siguro kaming t-nga dito.

"Thanks, Nara. Oo nga pala, kamusta yung bakasyon niyo sa Baguio?"

Naglakad kaming muli patungo sa room.

"Nako, sobrang saya!" Mas lalong lumaki ang ngiti niya at hinampas pa ako sa braso. Ouch.

"One time, nag night market ako mag isa, kaso naligaw ako" panimulang kwento niya.

"Bakit mukhang natutuwa ka pa?"

"Wait, kasi! Eto na nga!" Tumawa siya. "May nakikilala akong guy, si Klark! Super bait niya! As in! Sinamahan niya akong mamili sa night market, tapos binigyan niya pa ako ng tour using his car!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Sumama ka sa lalaking 'di mo kakilala?"

"Lia, he's a good guy! Tsaka hinatid naman niya ako sa private hotel kung saan kami naka check in 'no! Diba ang sweet!?"

"Anong sweet? Nara you're not supposed to hangout with a stranger" ani ko.

"I know, I know, tsaka I'm guarded naman habang kasama siya"

"Tapos anong nangyari? Na love at first sight ka?"

"Mmm-mmm" pabebeng sagot niya. "Actually kami na"

"What?!" Napanganga ako sa gulat. Napakagat naman ng labi si Nara at ngumiti sa'kin na para bang guilty.

"Nara, are you out of your mind? Kakakilala niyo palang!"

Napanguso siya.
"Come on, lagpas one month na kaming magkakilala, ano ka ba! Basta, trust me. Mabait siya, hindi lang yun, gwapo pa! Hihi!"

Napabuntong hininga ako. Kahit kailan talaga reckless 'tong babaeng 'to.

Dating Kyver Mendez to the next levelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon