Nakita ko si Kyver sa katabing balcony. Nakasandal siya sa railing habang pinapakain ng treats si Shadow."Kyver?"
Napansin ako ni Kyver, at bumakas din ang gulat sa mukha niya nang makita ako.
"Meow~" Hindi ko namalayang nakalapit na si Shadow sa akin at kinikis ang katawan niya sa'kin.
"Shadow. ." Hinimas ko siya. "Akala ko nawala kana 'e"
Muli kong tinignan si Kyver, plain t-shirt at short lang ang suot niya, pambahay. Nakakapanibago, ngayon ko lang siya nakita sa ganitong casual na suot. At aaminin ko, kahit napakasimple ng suot niya, nangingibabaw parin ang nakakamangha niyang itsura. Hays.
"So uhm. . d'yan ka nakatira?" awkward kong tanong.
"Hmm" tipid niyang tugon.
Err. . mas lalong tuloy naging awkward ang atmosphere namin. Awkward na nga kaming dalawa sa school as seatmates, pati ba naman sa neighborhood?
Napatingin ako sa ibaba nang mapansing may puting pusa na kumikiskis sa legs ko. Automatic na kuminang ang mga mata ko at lumaki ang ngiti ko.
"Wahh! Ang cute mo naman!" Binuhat ko ito at hinarap sa'kin. Kiniskiss niya ulit ang ulo niya sa chin ko. Napakaamo niya at napakalambing.
"Pusa mo?" Bumaling ako kay Kyver. Kumurap-kurap ang mga mata niya habang nakatingin sa'kin. Doon ko na-realize na nakangiti pala ako at napakacasual kong magtanong.
Napaubo ako at inayos ang expression ng mukha ko. "Sorry" Lumalambot kasi talaga ako pagdating sa mga hayop lalo na sa pusa.
Ibinaba ko ang puting pusa at nilapitan agad ito ni Shadow. Dinilaan ni Shadow ang mukha ng puting pusa hanggang sa naglambingan na silang dalawa sa harap ko.
"Mukhang nagkakasundo silang dalawa" saad ni Kyver patukoy sa mga pusa namin. "Hahayaan ko muna d'yan si Snowball"
Pumasok na si Kyver sa loob matapos sabihin 'yun. Nakahinga ako nang maluwag nang umalis siya.
"Argh, thank God he left, he saved us both from awkwardness" mahinang bulong ko.
Tinignan ko naman ang dalawang pusa sa paanan ko. Doon ko naalala yung drawing na nakita ko sa sketchpad ni Kyver. So sila palang dalawa nga 'yun nasa drawing.
Napangiti tuloy ako.
Pumasok na ako sa loob para mag handa ng hapunan ko. Sumunod naman ang dalawang pusa sa'kin.
"Meow~"
Kumuha ako ng cat food sa lagayan tapos binigay ko sa kanilang dalawa. Sabay namang kumain ang dalawa. Pero napansin kong kakaiba ang kinikilos ni Shadow, parang napakabait niya ngayon at laging niyang binibigyan ng space itong isa habang nakain sila.
Chineck ko si Snowball kung babae or lalaki. At hindi nga ako nagkakamali. . .
"Shadow ah, kaya pala ang bait mo dito kay Puti kasi chicks siya"
"Meow~" yun lang ang tugon ni Shadow. Natawa lang ako. Madaldal kasi talaga si Shadow, kapag kakausapin mo siya, palagi siyang nasagot.
"At ikaw naman. ." Hinimas ko ang ulo ng puting pusa. "Snowball ang pangalan mo 'di ba? Mabuti at hindi ka kasing sungit ng amo mo 'no?"
"Mew~"
"Infairness, mukhang alagang-alaga ka ni Kyver. Ang puti-puti mo, ang bango-bango mo, ang cute-cute mo pa!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong pisilin ang chubby cheeks nito.
Pareho silang british short hair ni Shadow kaya ang chubby nila pareho.
"Pero friends muna kayong dalawa ha? Wag muna kayong mag d-date, maliwanag?"