Alas tres ng hapon ang wedding ceremony nina papa at Vaness. 11:00 am na ako nakarating sa hotel kung saan ako mag s-stay at nakaabang narin doon ang mga mag aayos sakin.Kumain muna ako ng lunch tapos ay sinimulan narin ang pag aayos sakin. Wala akong masyadong alam sa details ng wedding ni papa bukod sa garden wedding theme nito. Lavender ang kulay ng dress na susuotin ko at white na sapatos.
"Ikaw ba yung anak ni sir Julius? Aba napaka pretty mo, girl" wika ng make up artist na nag aayos sakin.
"Thanks" Napangiti lang ako.
"May boyfriend ka na ba? Aba kung wala pa may irereto ako sayo!" sabi naman ng isang nag aayos ng buhok ko.
Natawa ako bigla sa sinabi niya at sinadyang hindi sumagot.
"Ano ka ba, imposibleng walang bf yan, sa ganda niyang yan? diba sissy?"
"Wala po akong boyfriend"
"Yun pala 'e! Marami kaming kilalang pogi na ie-endorse sayo, hihi!"
"Nako, wag na po... may nagugustuhan na 'ko" sabi ko nalang.
"Ayiee!" Parehong nagtilian ang dalawa at inasar-asar ako. Tinawanan ko lang sila.
Habang inaayusan ako sa harap ng salamin, biglang tumunog ang phone ko at nakitang nag chat si Kyver. Nag-send siya ng picture nina shadow at snowball na may tali habang naglalakad sa labas.
From: Kyver
"I'm taking them to my practice. I hope you don't mind?"To: Kyver
"Sure, no prob"From: Kyver
"What are you doing rn?"Napangiti agad ako nang magsend ulit siya ng chat. Imbes na magreply, pinicturan ko nalang ang sarili ko habang inaayusan at sinend sa kaniya.
Nagulat ako nang magsend siya ng emoji na heart. I bit my lower lip to keep myself from smiling. Argh, it's just an emoji, Lia, don't be so silly.
Nang matapos akong ayusan, nagpahatid na ako patungo sa location ng wedding. Pagkadating ko doon, marami-rami narin ang mga bisita. Just like my dress, women are wearing lavender as well, tapos naka olive green tux naman ang mga lalaki. Napakaganda rin ng ayos ng venue, maraming flowers and boquet.
Ilang minuto pa bago mag simula ang cermony kaya nakakalat pa ang mga guest at nagkakamustahan.
"Oh! It's Lia!" Lumingon ako sa gilid nang makarinig ng pamilyar na boses. Napabuntong hininga ako nang makita si Veronica na papalapit sa akin. Siya ang anak ni Vaness sa una nitong asawa.
"I thought you'll keep sulking from dad at hindi ka na pupunta sa kasal nila"
Bahagyang nagpintig ang tenga ko sa pagtawag niya ng dad sa papa ko. It actually irritates me, lalo na't alam kong close sila ni Papa, at parang tunay na anak ang turing niya kay Veronica. Oo na, I'm a bit jealous of her dahil feeling ko inaagaw niya ang papa ko.
"Yeah, I thought so too" walang ka amor-amor kong sagot.
"Come on, wag ka ngang ganyan. This is a special day to our mom and dad! Lalo na ngayon na magiging kapatid na kita"
Mariin akong napapikit at bumuntong hininga. Pwede bang lumayas nalang siya? Ang daldal niya kasi 'e.
"Oh, si Dad! Hi, Dad!" Veronica waved her hand looking at my back. Napalingon ako sa likod ko at nakita si Papa na naka white tux.
I noticed some lines wrinkling on his face while wearing his smile as he approached us. Wala naman masyadong nabago sa itsura niya except sa mga nadagdag na wrinkles niya.