Nara texted me na dumaan muna kami sa mall by 10 am bago dumeretso sa pupuntahan namin dahil may bibilhin pa siya. 1:00pm pa naman namin kikitain ang boyfriend niya.Nakabihis na ako at nag aayos ng gamit sa maliit na bag ko sa sala. Simpleng denim pants at sleeveless blue blouse lang ang suot ko. Nagsuot nalang ako ng takong na sandals para hindi ganun ka-plain ang suot ko.
"Anong oras ka uuwi?" tanong ni Kyver habang hinihimas ang mga pusa namin sa tabi ko. I can feel he's staring at me.
"I don't know, but knowing Nara, baka abutin ng gabi" sagot ko.
"I see, I'll hangout nga pala with Terence later, by the way"
Napatingin ako sa kaniya nang sabihin 'yun. He's now smooching Snowball's face.
"Really? Saan kayo pupunta?" curious na tanong ko.
"Sa amusement park" he bitterly said. "We'll use the ticket"
I pressed my lips and looked at him intently. Di parin yata siya tapos magtampo?
"Anong oras ka uuwi, Dah?" tanong ko at talagang nilambingan ko ang pagkakasabi ko ng endearment namin para hindi na magtampo.
"Knowing Renzo, baka gabi narin"
Binaba niya si Snowball dahil nagpapalambing din Shadow sa kaniya. Nagningkit ang mata ko nang gayahin niya ang sinabi ko. Hindi effective.
I reached for his face and pinched his cheeks. "Nagtatampo ka na naman! Sige hanggang 6pm lang ako, sasabihin ko kay Nara"
Napangiti siya sa sinabi ko. "Susunduin kita" Hinawi niya ang buhok kong nakaharang sa mukha ko at inipit iyon sa likod ng tenga ko. "Then we'll eat dinner outside, okay lang?"
My lips curled and nodded. "Oo naman, samgyup tayo?"
"Sure, Dah"
Nagpalitan kami ng ngiti. Bumaba ang tingin ako sa labi ni Kyver, and I'm having an urge to kiss those pink lips of him. At dahil nangibabaw ang kabaliwan ko, lumapit ako sa kaniya at mabilis siyang hinalikan sa labi.
He looked at me with a little surprise on his face. Of course, ito yata ang unang beses na nag initiate ako ng kiss.
"A-alis na nga ko" sabi ko at kinuha na ang gamit ko. I stuttered! Para akong tanga, hindi ko maisukbit nang ayos ang bag ko dahil sa pagmamadali at dahil sa hiya.
Tinawanan ako ni Kyver at tinulungan akong isuot ang bag ko. Sandali ko siyang pinanlisikan ng mata kaya lalo siyang natawa.
"What?" natatawa niyang saad.
"Saya mo 'no?" Inirapan ko siya kaya kinagat niya ang labi niya at nagpigil ng tawa.
"Ang cute mo kasi!" Pinisil niya ang pisngi ko. "Ganda mo pa"
Hinatid niya ako sa bus station kung saan ako sasakay. Mabuti nga at tumigil na siya sa pang aasar. Huminto ang bus sa harap namin kaya humarap ako kay Kyver para magpaalam.
"Bye, Dah"
Bago ko pa siya talikuran, he gently grabbed my elbow and leaned towards me. One thing I knew was that he had his soft lips on my forehead.
"Ingat" malambing niyang saad at bahagyang ginulo ang buhok ko.
Nagpigil ako ng ngiti at tumungo sa kaniya. Pagsakay ko ng bus, napansin kong nakatingin sakin yung mga nakaupo sa bintana, yung iba may ngisi pa ng nakakaloko. They probably saw us earlier.
---
Hindi dapat ako naniwala kay Nara na may bibilhin lang siya. As soon as magkita kami, hinila niya agad ako sa salon at pinaayusan niya kaming dalawa. She asked the staff to get our nails done, tapos nag pamake up at pina-style niya pa ang buhok namin.