28

11 2 0
                                    


"Congratulations, Spraken Rovers! And goodluck to your next game for the regional tournament next week! And of course, thank you everyone for watching the game today!"

Matapos mag closing remarks ng mc ay unti-unti nang nagsisialisan ang mga tao sa field. Everyone are so happy na nanalo ang koponan ng school namin. Hindi muna kami tumayo ni Nara sa bleachers dahil hinihintay muna naming humupa ang mga tao.

Pinanood namin ang mga tao sa field na kumukuha ng pictures ng team nina Kyver. Ang daming nag papa pictures sa kanila, even yung mga taga ibang school ay nagsisiksikan para magpapicture.

"Nara?" 

"Huh?" 

Parang bumalik sa katinuan si Nara nang tawagin ko siya. She has been staring seriously at the field since earlier. 

Napansin ko ring kanina pa siya tahimik mula nang bumalik ako dito sa bleachers. She wasn't in her usual self. Kanina ay ubod siya ng ingay para mag cheer sa team nina Kyver, pero noong bumalik ako rito ay nawala ang energy niya.

"May problema ba?" tanong ko. Umiling iling naman siya at nginitian ako.

"I'm just having some thoughts, hindi ko kasi nagugustuhan ang mga biro ni Terence minsan" While saying that, she still staring at the field, specifically, at Terence. 

Thinking about what she said, mukhang tungkol ito sa biro ni Terence kanina. Nakita kong hindi nagustuhan ni Nara ang birong 'yon.

"Are you scared that you might want to have a serious relationship with him?"

"Ugh, stop, Lia. I don't even want to entertain that thought in my head" inis na wika niya.

"Pero naisip mo na ang bagay na 'yun tama ba?"

Napabuntong hininga siya. "He will be leaving soon" 'yun nalang ang nasagot niya.

Ilang sandali pa ay parehong tumunog ang cellphone namin. I got a message from Kyver.

From: Dah 💗

Come down here, Dah.

Ipinukaw ko ang tingin sa field at nakita si Kyver na nakatingin sa'kin. He nodded his head, gesturing me to come down. Tumungo rin ako at bumaling kay Nara.

"I'll go ahead, Lia" Inunahan niya akong magsalita.

"Uuwi kana?"

"Not yet, uhm..." She suddenly blushed. "I'll just go somewhere with Terence"

"Okay..." Hindi ko na tinanong kung saan dahil mukhang may ideya na ako kung anong ibig sabihin niya doon.

Nauna na siyang umalis habang ako ay bumaba para lapitan si Kyver. Konti nalang ang mga tao sa field at halos wala narin ang mga manonood. Kyver is waiting for me at the bench, hindi ko nga alam kung bakit hindi pa siya sumama sa mga ka-team niya sa locker room para makapag palit.

"Hey, congrats, Dah" I smiled while approaching him.

"Thanks, Dah" He smiled back. 

Umupo ako sa tabi niya at tinulungan siyang mag tanggal ng wrist tape. Hinayaan naman niya ako at pinanood lang akong gawin 'yun.

I felt his free hand fixing my hair. Napatingin ako sa kaniya at nagpalitan kami ng ngiti.

"Yung wish ko ah"

I chuckled. Hindi niya pala talaga nakalimutan ang usapan namin?

"Well, since I keep my words. Sige, ano bang wish mo?"

Kumurba ang labi niya. "I want to meet your Dad"

I paused for a moment after hearing that.

"S-si Papa?" nautal ako bigla. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa thought na mame-meet niya si Papa.

Dating Kyver Mendez to the next levelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon