Oh no. Hindi pa ako sure pero mukhang buntis nga si Snowball. Dahil bukod sa tumatakaw siya ngayon, ay napansin kong medyo lumaki na ang tyan niya. Hindi pa naman siya ganun kahalata kaya hindi parin napapansin ni Kyver, pero baka totoo ang kutob ko!Syempre sino lang ba ang kasama niya sa bahay? Walang iba kung di si Shadow lang. Siya lang ang pwedeng maging tatay ng mga kuting sa loob ng tyan ni Snowball! At dahil ako ang mommy ni Shadow, walang dapat managot kung di ako rin!
Kaninang umaga nga ay pinagsabihan ko pa si Shadow sa kwarto ko. Pero mukhang cool lang siya sa mga nangyayari.
"Lia, let's go"
Bumalik ako sa katinuan nang tapikin ako ni Kyver. Nasa bus stop nga pala kami at naghihintay ng minibus. Nakahinto na sa harap namin ang kadarating lang na minibus kaya sumakay na kami doon. As usual na nasa gilid ng bintana si Kyver naka pwesto, nakadungaw siya roon habang pinagmamasdan ang nadaraanan namin.
"Kyver"
"Hmm?" Bumaling siya sakin. Batid kong medyo inaantok pa siya dahil pumipikit-pikit pa ang mga mata niya.
"May... balak ka bang mag alaga pa ng panibagong pusa?" tanong ko.
"Like, mag-adopt ng bagong pusa?"
"Yup! Gusto mo bang magdagdag ng furbaby?"
"Nope"
Yikes! Lagot na talaga tayo nito.
"Why are you asking? May balak ka bang mag adopt ng bago?"
"Huh? H-hindi naman, n-natanong ko lang"
Biglang nagningkit ang mga mata niya at inilapit ang mukha niya sa akin. "Bakit nauutal ka? May kasalanan ka ba sakin?"
Napalunok ako at napakagat sa ibabang labi ko. Pano na yan, pano kung buntis talaga si Snowball? Siguradong magagalit siya kay Shadow, pati sakin! Pero kailangan ko muna kumpirmahin, sana lang mali ang kutob ko.
"W-wala no! Tinatanong ko lang nam-"
Nagulat kami nang biglang magpreno nang malakas ang bus. Umuga ang upuan namin kaya napaurong si Kyver sa akin at saktong mabilis na dumampi ang labi niya sa labi ko. Hindi kami nakareact agad dahil sa bilis ng pangyayari. Nagtitigan kami ng ilang segundo habang parehong nanlalaki ang mata.
Nahalikan niya ako!
"Pasensya na po, biglang may dumaang aso" paumanhin ng driver at nagdrive ulit.
Umiwas agad kami ng tingin ni Kyver sa isa't isa at umayos sa pagkakaupo. Hindi ko mapigilang mapahawak sa labi ko.
That's my first kiss!
Napahawak rin ako sa aking dibdib. Ang lakas ng kabog nito.
"S-sorry" wika ni Kyver na tila nahihiya. Nakatingin na siya sa bintana.
"O-okay lang. Aksidente naman" nahihiya ko ring tugon.
There's an awkward silence between us after that. Ni hindi na kami nag usap buong biyahe.
Nang makarating sa school at makababa ng bus, pasimpleng hinila ni Kyver ang bag ko at mahinang nagsalita.
"Excused ako, practice" paalam niya.
Wait, nagpapaalam ba siya sakin?
Tiningala ko siya at nakitang nakatingin din siya sa'kin. Kumabog agad ang dibdib ko at napaiwas ng tingin. Naalala ko na naman ang nangyaring aksidente kanina.
"Okay, ingat ka"
Nakita ko siyang ngumiti nang maliit bago bitawan ang bag ko at umalis. Bigla namang kumurba ang labi ko kaya kinagat ko ang ibaba nito para pigilan.