Naglalakad ako sa side walk habang kumakain ng sundae cup na binili ni Kyver para sa'kin. Pauwi na ako ng bahay at kasunod ko lang si Kyver sa likod ko. Well, hindi naman talaga maiiwasan na magkasabay kami, after all, pareho kami ng bahay na uuwian.
Hindi kami nag uusap dahil wala naman kaming pag uusapan. Pero napapansin ko na panay tingin kay Kyver yung mga taong nakakasalubong namin. How could this guy attracts people without even doing anything?
Pero naiinis parin ako sa kaniya. How could he use me para lang mapaalis ang babaeng yun? tapos sinuhulan niya pa ko nitong masarap na ice cream! Tsk!
"Hey" Tinawag niya ako.
"Ano?!" inis ko siyang sinagot.
"Wag tayo dumaan dyan"
Nilingon ko siya nang may nanunuyang mukha. Nakatigil na siya sa paglalakad at medyo malayo na sakin.
"Bakit ba? Araw-araw akong dumadaan dito 'no, Hmph" Tinalikuran ko na siya at lumakad nang mabilis para maiwanan ko siya.
"Hi, miss. Saan ang punta mo?" Napatigil ako nang harangan ako ng dalawang lalaki. Nakaramdam agad ako ng kaba dahil sa mga itsura palang nila, mukhang hindi na sila mapagkakatiwalaan.
"Gusto mo ba ihatid ka na namin? Wag kang mag alala, magiging safe ka samin" Sinubukan akong hawakan ng isa pero lumayo agad ako.
"W-wag mo kong hawakan"
"Bakit ka nalayo? Wala naman akong gagawin sa'yo" Muli niya akong hinawakan sa braso at inilapit sa kaniya.
"Ahh!" Napasigaw ako, at sa isang iglap, nasa harap ko sa si Kyver at sinuntok ang lalaki.
"G-go ka ah!" Ginantihan siya ng isa pang lalaki at sinuntok din siya sa mukha. Napaatras si Kyver at dumura ng dugo mula sa bibig.
"Kyver!"
"Wag kang makielam dito, bata!"
Muling siyang sinugod ng kamao ng isang lalaki, pero nailagan niya 'yun at sinuntok ang mukha ng lalaki. Natumba ito at ininda ang sakit.Nakita ko namang bumangon ang isa pa mula sa sahig kaya, kinuha ko yung nakita kong kahoy sa gilid at inihampas sa likod niya.
"Etong sayo!"
"Ahh! Aray!" Muli siyang natumba at namilipit ang katawan dahil sa sakit. Sunod akong lumapit sa lalaking katapat ni Kyver at pinagpapalo ito ng kahoy.
"Aray! Aray! Aray!" Tumigil siya at hinarangan niya ang sarili niya gamit ang braso.
"Tara na" Kinuha agad ni Kyver ang kamay ko at hinila ako papalayo. Tumakbo agad kaming dalawa bago pa sila makahabol.
"Hoy! Bumalik kayo rito!"
Hindi magkandamayaw ang kabog sa dibdib ko habang tumatakbo kami. Yun ang unang beses na muntik na akong mabastos kaya hindi ganun nalang ang habol ng kaba sa'kin.
Hingal na hingal kami nang tumigil sa pagtakbo. Sinigurado naming hindi na kami masusundan ng dalawang manyak na 'yon bago kami maghabol ng hininga.
"Mga hudas 'yon ah. Wala ba silang ibang magawa sa buhay?" inis kong wika at nagpunas ng pawis.
Tinignan ko si Kyver at nakitang may sugat siya sa labi at sa gilid ng noo. Hindi gaano kalaki pero dumudugo ito.
"Shet, Kyver"
Napakunot ang noo niya. "Bakit?"
"Nabangasan ang mukha mo"
Pinunasan naman niya ang dugo sa labi niya. "It's fine. Maliit lang 'to"
Na-guilty ako bigla, kaya siguro ayaw niyang dumaan kami doon kanina dahil nakita na niya ang mga ungas na yun sa malayo. Napaaway pa tuloy siya dahil sa'kin. Tsaka, nakakakonsensya dahil namantsahan ang gwapo niyang mukha.