25

11 2 0
                                    


TODAY IS INTERSCHOOL SPORTS DAY.

Magsisimula na ang program maya-maya kaya karamihan sa mga students ay naghahanda na sa competition na sasalihan nila mamaya.

Nasa room kami ngayon dahil nag d-distribute si Sef ng tshirt na susuotin namin para sa laro. Naka maroon t-shirt kaming lahat sa section namin, pwera nalang kina Kyver at Terence na talagang may varsity uniform sa soccer, anyways maroon din naman ang color ng varsity shirt nila.

"Oh my gosh, this is it, Lia! Sana lang hindi ako madapa mamaya huhu!" kinakabahang saad ni Nara. She's currently braiding my hair. Ayaw ko nga sana dahil mas prefer kong mag ponytail, pero nag pumilit siyang i-braid ang buhok ko.

"Just remember every little things that I've taught you, Shanara. Hindi makakagoal ang kalaban sa inyo panigurado" si Terence naman ang sumagot na nasa gilid ko. Pareho silang naglalaro ni Kyver ng mobile games ngayon.

Parang wala manlang pressure na nararamdaman ang dalawa sa laban nila mamaya against other schools. Nagawa pa nga nilang maglaro ng mobile games bago magsimula ang program.

"Sure, Coach TERRORence" nakangiwing sagot ni Nara.

"You're welcome" ngisi lang ni Terence.

I stared at them for a few second. Until now I still can't believe that they have a secret odd relationship. Hindi mo talaga mahahalata na may tinatago silang kakaibang closeness sa isa't isa. Napakagaling nilang maging casual sa isa't isa.

"Nara-chan! Someone from your club is looking for you!" sigaw ni Sef na abala sa pamimigay ng wrist tapes sa section namin.

"Oh shoot! yung ibang stage design props di pala nila alam kung saan nilagay!" Tinapos ni Nara ang pag braid sa buhok ko at tumingin sa'kin. "Lia, wait lang kausapin ko yung nasa labas"

"Hmm" Tumungo lang ako at tinanaw siyang umalis hanggang sa mawala sa paningin ko.

"Lia-chan! Wrist tape mo" Sumulpot si Sef sa harap ko at inabot sakin ang dalawang white wrist tape. "Tas kay Nara-chan 'tong isang pair"

"Thanks, Sef"

"Oo nga pala, nakausap ko na yung admin ng campus files. He will take care of the post and picture" he said. "Tsaka about dun sa nagsend ng post, anonymous yung account kaya hindi malaman kung sino"

"I see, pero okay na sa'kin na madelete yung post. Thanks Sef, maaasahan ka talaga" Ngumiti ako sa kaniya.

"Sure, no prob! Although, nagdelulu yung pinsan ko sa'yo dahil dun sa post HAHA!"

Napailing nalang ako sa kaniya.

"Can I also have one?" Biglang lumapit si Kyver at nanghingi rin ng tape kay Sef. Mukhang tapos na silang maglaro.

"Sure!"

"Ako din!" At pati si Terence ay nakihingi narin. Binigyan naman sila ng tig isang pares ni Sef.

"Galingan natin mamaya ah! Itaas natin ang bandera ng section natin!" Pareho niyang tinap ang balikat ng dalawa bago pumunta sa iba naming kaklase para mamigay ng wrist tape.

"Hays, mamimiss kong maging president tong si Sef after graduation" naiiling iling na wika ni Terence. "Kyvie palagay naman sakin nito"

"Maghintay ka" walang pasensyang saad ni Kyver habang nilalagay niya yung tape niya sa sarili niyang wrist. Halatang sanay siyang maglagay nito, palagi kasi silang nagsusuot nito kada game.

"Sungit na naman ng baby Kyvie ko oh"

Inirapan lang siya ni Kyver. Nang matapos si Kyver ay nilagyan naman niya si Terence ng tape.

Dating Kyver Mendez to the next levelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon