After the weekend passed, nagsimula na ang training namin sa soccer. Nasa soccer field kami ngayon, walang nag papractice so kami ang gumamit ng field ngayong oras ng p.e. Desidido ang lahat na matuto, lalo na't todo motivate si Sef tungkol sa cash prize."Move! Everyone! Para sa 5k!" aniya habang nag f-forward drill sila.
"Para sa 5k!" Nakapila silang 11 na representative at sabay-sabay na ginagawa ang drill na pinapagawa ni Kyver.
Nakahalukipkip naman si Kyver habang nakatingin sa kanila.
Basic soccer drills ang itinuro samin nina Kyver at Terence. Kaming mga girls ang naunang mag drill kanina kaya tinuturuan naman kami ni Terence ng pagsipa sa bola papunta sa goal.
"Next one, Lia" Tinawag ako ni Terence kaya umabante ako sa harap ng bolang nasa ground.
Tinignan ko si Nara na nakabantay sa goal. She still not looks good. Malalim ang ilalim ng mata niya at alam kong umiyak na naman siya kagabi.
After namin makauwi ni Kyver nung sabado, tinawagan ko agad si Nara para kamustahin ang nangyari. She said she broke up with Klark, which is a relief for me. Hindi na siya masyadong nagkwento ng iba pang detalye dahil mas lalo lang siyang iiyak, kaya hindi ko narin siya pinilit at hinayaan muna siya.
"Lia, goal kick now" ani Terence.
"Oh, sorry" I was spacing out.
Sinipa ko ang bola pero hindi manlang ito tumama sa paa ko. Napangiwi ako sa nangyari. Nagtawanan tuloy ang mga classmates ko pati si Terence.
"Okay lang 'yan, Lia. Matalino ka naman at maganda!" sabi ng mga boys sa gilid at nag hiyawan. "Woohh!"
"Oo nga, Lia, baka maging perfect ka pag pati sa sports ginalingan mo!" saad naman ng mga kaklase kong babae.
Hindi ko alam kung nakatulong ba yung sinabi nila sa confidence ko. Tinignan ko si Kyver at nahuli kong nakatingin din siya sa'kin. Nginitian niya ako at tumungo lang na para bang sinasabi niyang 'okay lang yan'.
"It's fine, Lia! Try it again!" saad ni Nara na nag hihintay sa goal.
Napabuntong hininga ako at sinipa ulit ang bola, pero baliko lang ang tira ko at napunta sa direksyon ni Terence. Effortless niyang sinalo yun bago pa mapunta sa malayo.
"Okay lang yan, Lia. Start palang naman ng training" natatawa niyang wika at tinapik ang balikat ko. "Si Shanara nga parang tanga mag block ng bola 'e"
"Hoy! Narinig ko yun ah!"
"Okay, next!" Hindi nalang pinansin ni Terence si Nara at tinawag ang kasunod ko.
We also did a practice match after doing some drills. After ng practice ay nagpalit ako sa cr ng damit at pumunta sa locker area para ayusin ang mga damit na ginamit ko.
"Lia, mauuna na kami" paalam ng mga kaklase kong nakasabay kong magpalit.
"Okay"
Mag isa akong naiwan sa locker, hindi naman ako natatakot kahit pa may kwento-kwento na may multo raw dito. Tsaka maliwanag naman dahil may ilaw.
"Hey, Dah" Narinig ko ang pamilyar na boses sa likuran ko kaya agad ko siyang nilingon.
"Dah" Napangiti ako nang makita siya. Hindi ko naramdaman na dumating siya. Nakapagpalit narin pala siya ng damit tulad ko kaya ang fresh na niya tignan.
"Nakita mo ba si Renzo?" tanong niya.
"Nakita kong magkasama sila ni Nara na umalis, hindi ko na nga natanong kung saan sila pupunta 'e" sagot ko.