10

15 2 0
                                    


Hormones.

That's why I am being too emotional these days. May dalaw pala ako, and worst unang araw pa. Argh.

"Agh.." Nakasubsob ako sa mesa ko ngayon dahil sa sakit ng puson ko. Kakatapos lang ng second subject namin at lumabas na ang ilan sa mga kaklase ko para mag break time.

Pero ako, ayokong tumayo dahil ang sakit-sakit rin ng balakang ko. Sobrang sensitive ng buong katawan ko at ayokong umalis sa iisang pwesto.

"Lia oh, here's your heat pack" Inabot sa'kin ni Nara ang heat pack na pinabili ko sa kaniya.

"Thanks" sabi ko at inilagay yun sa bandang puson ko.

"Are you really fine? Pumunta ka muna kaya sa clinic?" nag aalala niyang tanong.

"It's fine huhupa din naman 'to mamaya"

I really hate menstrual cramps, bakit kasi sa dinamirami ng mga babae, sakin talaga napunta yung matinding cramps?

"Nara! may naghahanap sayo na taga Art Club!"

Napalingon si Nara sa pinto nang tawagin siya ng kaklase namin.

"Oh shems, kailangan ko nga palang mag report sa president namin ngayon about sa mga canvas!" Tumingin sa'kin si Nara at napakagat ng labi. "Lia, aalis muna ako. I-text mo ako kung may kailangan kang ipabili ah"

"I'll be fine. Thanks, Nara" wika ko.

"Okay" Tumayo na siya at lumabas ng room.

Ako naman ay sumubsob ulit sa desk ko at sinubukang mag relax. I hate this feeling.

"Sabi ko kasi sayo wag ka nang pumasok" Narinig kong mahinang nagsalita si Kyver sa gilid ko. Naglalaro siya ng mobile games sa cellphone habang pasimpleng nakikipag usap sa'kin.

"This cramps can't beat me, okay?" Oo masakit siya, pero may mas worst na cramps pa na naranasan ko kesa rito. Yung tipong iiyak ka ng sobra at babaluktot ang katawan mo. Masakit parin naman ang cramps ko ngayon, pero bearable naman kahit papaano.

Pasimple niya akong tinignan tapos mahinang tumawa.

"You look miserable"

Sinamaan ko siya ng tingin at hinagisan ng pambura sa mukha. Lalo tuloy siyang natawa.

"Wag ka nga mang asar, mabilis ako mairita ngayon"

Napatingin ako sa upuan ni Terence at napansing wala siya ro'n. Himala nga na hindi sila magkasama.

"Nasan yung bestfriend mo?" tanong ko.

"Nasa computer room, wala siyang data kaya naki-connect siya ng wifi para makalaro"

"So magkasama kayong naglalaro ngayon?"

"Yeah" tipid niyang sagot.

So magkasama parin sila. Kahit sa mobile games, hindi rin sila mapaglayo.

"Agh.." Muli kong inipit ang puson ko nang maramdaman ulit ang sakit. Argh, how can I concentrate in class with this pain?

Tumayo ako at lumabas ng classroom. Pumunta ako sa girl's cr para umihi at magpalit narin ng pad. Pagpasok ko, wala naman masyadong tao, pumunta ako sa napkin machine at hinulugan yun ng barya. Kaso walang lumalabas na pad kaya marahan ko itong pinukpok.

"Agh, sira ba 'to?"

"Yup. Do you need pads? May extra ako"

Napatingin ako sa gilid at nakita si ang pamilyar na babae na abala sa pag m-make up. Si Missy, yung babaeng gymnast na nag confess kay Kyver noong nakaraan.

Dating Kyver Mendez to the next levelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon