Lunch time ngayon at sabay kaming pumunta ni Nara sa canteen para kumain. Pareho kaming nagbabaon ng lunch. Mahal kasi ang pagkain sa school at nagtitipid ako dahil sa sliding door na kailangan naming ipaayos ni Kyver."Wooah~" Parang kuminang ang mga mata ni Nara nang makita ang laman ng lunchbox ko. Orange chicken with coleslaw salad and java rice lang naman ang dala ko. Good thing may insulation yung lunchbox ko kaya mainit parin yung pagkain.
"I'm really so lucky na may bestfriend akong magaling magluto. Thank you chef Lia!" Sumubo agad si Nara ng orange chicken at ninamnam ito nang nakapikit. "Wahh~ sobrang sarap! dabeshkataragamagluto yumyum"
"Ngumuya ka muna kaya" Natawa ako kay Nara.
Dinamihan ko talaga ang dala kong food para makatikim din si Nara. She's been my foodtaster ever since magt-try ako magluto. At halos lahat, nagugustuhan niya. Besides, as an aspiring chef, may satisfying effect sa'kin kapag may ibang tao ang kumakain ng niluluto ko, plus nasasarapan pa sila.
"Omg! si Kyver!"
"Gosh, ang gwapo gwapo niya talaga 'no?"
"Ang cute din ng bestfriend niyang si Terence! Sana naman mapansin tayo"
"Pagtumingin ka, akin kana Kyver. Hihihi!"
Narinig ko ang ilang bulungan at hagikgikan ng mga babae sa kabilang table habang kumakain. Napatingin ako sa aisle ng canteen at natanaw sina Kyver at Terence papunta sa counter. Pinagpipyestahan sila ng mga tingin ng mga babae habang naglalakad sa aisle. Samantala, abala naman ang dalawa sa pag uusap at walang pakielam sa paligid nila.
Dumako ang tingin ko sa bag na suot ni Kyver at nakita ang white cat patch na nilagay ko kagabi. I wonder kung napansin na niya 'yun. Pagkabalik ko kasi ng bag niya kagabi, nagkulong agad ako sa kwarto ko. Nahihiya kasi akong malaman niya ang ginawa ko sa bag niya, though alam ko namang mapapansin niya 'yun later on. I just hope he won't mind what I did.
"Hays, iba talaga ang charisma ng dalawang 'to, halos lahat ng girls dito nakatingin sa kanila oh" puna ni Nara habang nakatingin kina Kyver at Terence.
"Ano pa bang bago?" Nagkibit-balikat nalang ako.
"Ang asset naman kasi ng pagiging silent at mysterious type ni Kyver 'e, si Terence naman, pa-cool and charming ang dating" komento ni Nara. "Ay, alam mo ba, naka 3 exes na 'yang si Terence?"
"Really?"
"Yup, nag ka gf siya nong elem, tapos dalawa naman no'ng junior highschool"
"Hindi na ako magtataka, he's quite popular at may itsura naman talaga si Terence"
"Yeah. And puro lowkey relationship siya kaya hindi masyadong halata. At eto pa, si Kyver naman NGSB"
"NGSB?"
"Duh? No girlfriend since birth"
Oh? Medyo nagulat ako do'n. Sinong mag aakalang hindi pa pala nagkaka girlfriend ang isang campus prince charming ng school na 'to?
"I wonder if he's gay" dagdag ni Nara.
"Wag ka ngang ganyan, baka may makarinig sa'yo" suway ko sa kaniya.
"Malay mo lang naman! Grabe ka maka defend ah, siguro crush mo siya 'no?" loko-lokong biro niya.
"Pinagsasabi mo? Wala naman akong crush"
"Asus!" Sinundot niya ako sa tagiliran. Napangiwi lang ako. There she goes again. "Alam mo ngayon ko lang narealize na bagay kayong dalawa! Tignan mo yung itsura niyong dalawang medyo similar, para kayong magkamag anak"