"I know you're worried, Lia. Pero promise, I'm trying to be okay, hmm?" Nara said over the phone. I know how hard she's trying to cheer up her voice.Bumuntong hininga ako habang naghahalo ng niluluto ko. Nasa bahay na ako ngayon at nagluluto ng hapunan.
"Okay, fine. Umuwi kana agad pagtapos niyo dyan ah?"
Dumeretso si Nara sa Art Club after ng last class namin kanina. Naka assign kasi sila sa stage design para sa Inter-school kaya busy ang club nila. We didn't got a chance to talk, kaya nagtawagan nalang kami.
"Yup! And you might want to have a sleepover with me since brokenhearted ang bestfriend mo? What do you think?"
I paused for a moment. "Uhm.. yeah sure, I miss your room anyway" sagot ko. We can't do a sleepover here.
"My room? Come on! Hindi pa ako nakakapunta sa apartment mo, Lia!"
"I don't want to bother my neighbors here, Nara. You know what happens everytime we do a sleepover"
Naalala ko tuloy yung huling sleepover namin sa dati kong apartment. Sa sobrang lasing ni Nara, kinanta niya lahat ng break up songs ni Taylor Swift buong magdamag. Galit na galit tuloy yung kapit-bahay ko.
"Fine, fine. Dito tayo sa bahay sa friday. Pero sa susunod, makikitulog ako 'jan ah! I want to visit Shadow too"
"Sure"
"Okay, ba-bye na. We're packing up"
"Bye, ingat pauwi"
Binaba ko na ang tawag at nagfocus sa niluluto kong sinigang. Ilang sandali pa, narinig kong bumukas ang pinto, at syempre alam ko naman na kung sino yung dumating.
Naalala ko tuloy yung nakita ko kanina sa school ground. I know that's too shallow to be jealous about, dahil nakita ko namang tumulong lang si Kyver at halatang lumalapit si Missy sa kaniya. Pero di ko kasi maiwasan. Kaya nga naiinis din ako sa sarili ko ngayon dahil hindi ko maiwasang mabadtrip.
"Hey, di ka na nagrely" 'yan ang bungad ni Kyver nang makapasok sa bahay.
"Sorry, I was in call with Nara for more than an hour"
We were texting earlier after ng dismissal. May meeting kasi sila ng soccer team kanina kaya hindi kami sabay umuwi.
"Okay, understandable naman" I got goosebumps when I felt his hands on my waist. Sinilip niya ako at mabilis na humalik sa pisngi ko.
"Wow, I miss sinigang, is that with gabi?" nakangiting tanong niya. He looks excited to taste it.
"Just like how you like it" I plainly answered.
He suddenly furrowed his eyesbrows looking at me. It's too late for me to realize that my tone sounds annoyed, at mukhang nahimigan niya yun.
"Something wrong, Dah?" curious na tanong niya. "Parang bad mood ka"
Tinignan ko ang inosente niyang mukha. He's so goddamn beautiful, at hindi ko maiwasang maisip na ang daming nagkakandarapa sa kaniya.
Na i-insecure tuloy ako sa sarili ko, I know there are lots of girls who are way more pretty than me, at natatakot ako na baka makakita siya ng mas better sa'kin, like Missy. She's a campus crush at school, at marami ring boys ang nagkakandarapa sa kaniya. Even though, Kyver rejected her before, what if biglang magbago ang ihip ng hangin?
"Hindi ah" I tried to smile. "Kain na tayo?"
"Okay, magpapalit lang ako" aniya at pinakawalan ako sa yakap.
Tumungo nalang ko at hinanda na ang mesa. Nakapambahay na siya nang lumabas ulit sa kwarto niya. Umupo siya sa harap ko at nilagyan ng kanin ang plato ko habang nagsasandok pa ako ng ulam sa caserole.