From: Kyver
"Pwedeng tumawag?""Eh?"
Bigla akong kinabahan kahit wala naman dapat akong ipakaba. It's just a call, why so nervous, Lia?
Huminga ako nang malalim at nagreply sa kaniya.
To: Kyver
"Sure" reply sent!Tumunog ulit ang phone ko pagkasend ko ng reply, at nakitang nag iinvite ng video call si Kyver.
Tumayo ako agad at lumabas muna ng reception bago ito sagutin."H-hello?"
"Meowwwww"
Natuwa ako nang makita sina Shadow at Snowball sa screen. Nawala bigla ang kaba ko.
"Hello, babies!"
Mukhang nakilala ako nina Shadow at snowball kaya nakatingin din sila sakin sa screen.
"How are you babies? Miss niyo na ako 'no?"
And here I am again, babytalking them. Of course, baby ko sila 'e.
"Is the party over?" Narinig ko ang boses ni Kyver.
"Not yet. Pero babalik na ako sa room ko, pagod narin ako e" saad ko habang naglalakad sa hallway pabalik ng room.
Tsaka 9 pm narin ng gabi, at gusto nang magpahinga ng katawan ko. Hindi na ako nakapag paalam kay Papa dahil nag eentertain siya ng guest. I don't want to bother him.
"What are you doing, Kyver?" Hindi ko kasi siya makita sa screen.
"Cleaning their litter box. Shadow's kinda active today, he spilled the litter sands all over the floor"
"Oh, silly guy" I chuckled. "Are you having a hard time with him?"
"Of course not. Anyway, napapansin kong mas malambing si Shadow kay Snowball ngayon ah. Kanina, hinayaan niyang solohin ni Snowball yung heatpad niya. I think your son is hitting on my princess"
Natawa ako sa sinabi niya. "Nako kung di mong lang alam, baka nga nasa dating stage na sila 'e"
And they probably did something together already. Remember? Snowball is getting fat, at siguro hindi pa yun pansin ni Kyver, but I can tell that she's already in her early pregnancy.
"Well Shadow should be careful dahil strict parent ako" sagot ni Kyver at mahinang tumawa.
Napakagat naman ako ng labi. Mas gwapo kasi ng boses niya sa call lalo na nung tumawa siya.
"Ano ka ba, pinalaki kong mabait 'yan 'no"
Nakarating ako sa kwarto at inilapag ko sa side desk nang nakatayo ang phone ko. I started to remove my shoes and accessories.
"I'll take a quick shower muna pala. Naalibadbaran na ako 'e"
"Go ahead, pero wag mo muna i-end call"
Nagningkit ang mga mata ko. "Seriously, namimiss mo ko 'no kaya ka tumawag?" biro ko.
"Just go ahead, Lia"
I can imagine him rolling his eyes while saying that.
"Okaaay" I chuckled. "asus kunwari pa" bulong ko nang nakangiti.
"I heard that"
"I heard myself too"
Iniwan ko lang yung phone ko na nakabukas at pumasok na sa bathroom. At dahil quick shower lang naman, mabilis lang rin akong natapos. Nagsuot lang ako ng comfy na pantulog at nagtuyo ng buhok ko sa kama.