16

15 2 0
                                    


Days will be busy this coming week and next few weeks. Paparating na ang Inter-school at sumasabay pa 'tong science competition na sasalihan ko.

Marami ng busy sa mga decorations at paandar para sa Inter-school. It's a big event after all, dahil dadayo dito sa school namin ang tatlo pang kilalang highschool sa buong city para sa iba't ibang sport competition.

Nasa canteen kami ni Nara ngayon para mag-take ng lunch. Hindi na kami pumipila sa mahabang linya sa counter dahil may mga na baon kami.

"Lia, did you bring extra spoon? Nakalimutan ko pala yung akin huhu"

"Hindi, gamitin mo nalang yung tinidor ko"

"Okay, thanks!"

Nara looked excited when I opened my lunch box. As usual, inaabangan niya kung anong niluto ko.

"Woah, Is this beef stroganoff?! It looks so yummy!" Tili ni Nara habang binubuksan amg lumch box niya. "And look what I have, another healthy food, a Ratatouille" Mabilis na nawala ang ngiti niya nang makita ang laman ng lunchbox niya.

"Made from a WORLD-CLASS CHEF" I emphasized. May chef kasi sa bahay nila Nara at yun lagi ang naghahanda ng mga kinakain niya.

"Hays, masarap nga ang luto niya, pero sobrang healthy na ng mga kinakain ko dahil sa diet na pinapasunod sakin ni mommy, psh"

"Sige na, kumuha kana sakin" saad ko at inurong yung lagayan.

"Wahh! Thanks, Lia! I love you talaga!"

Napangiti nalang ako. Habang kumakain, napansin kong nandito rin pala sa canteen sina Kyver at Terence kasama ang mga ka-team nila sa soccer. Kyver suddenly gazed at me and gave me a little smile. Pasimple lang akong gumanti ng ngiti at kumain na ulit.

No one knows yet about us being in a relationship. Tsaka nagpasya kami pareho ni Kyver na i-lowkey muna ang relasyon namin. Kyver is very popular at school, at aaminin ko din namang kilala rin ako dahil isa ako sa top students, so we don't want to start a ruckus. Pero hindi naman ibig sabihin nun na itatago talaga namin, gusto lang namin ng tahimik na relasyon.

Syempre sasabihin din naman namin kina Nara at Terence, but we're still trying to find a good timing.

Kyver and Terence wasn't in class earlier dahil sa practice, kaya ngayon lang ulit kami nagkita ni Kyver simula kaninang umaga.

"Nga pala, Lia. Klark will visit me this weekend! At diba gusto mo siyang makilala? so I was thinking if we could hangout together, may gagawin ka ba sa saturday?"

"Uhm... " As far as I remember, wala yata. And besides, I'm dying to know what kind of person this Klark is, kailangan masiguro kong mabait at mabuting tao ang boyfriend ni Nara, so I guess I have to tag along.

"Mukhang wala naman"

"That's good! Saturday ah! Sama ka"

"Okay"

"Yes! I can't wait you to meet him. Wag kang masyadong masungit sa lovie ko ah!"

"Well, if he's not a jerk, I will be good to him"

"Psh, Lia naman 'e" Nara pouted, pero tinawanan ko lang siya. But really, I am dead serious.

Nang mag uwian, naunang umalis si Nara dahil may meeting sila sa Art Club. Naiwan ako sa classroom dahil tinatapos ko yung dry run test na pinapasagutan sakin ng coach ko sa science competition.

Nandito rin si Sef dahil nag aayos siya ng papers at assignments namin na ipapapsa sa faculty.

"Lia-chan, mauuna na ako, ipapasa ko pa 'to sa faculty. Will you be okay here alone?" Sef put his bag on his back.

Dating Kyver Mendez to the next levelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon