22

12 2 0
                                    


Mukhang hindi lang ang section namin ang seryoso sa gaganaping soccer competition by grade year. Puspusan rin sa pag t-training yung mga taga ibang sections. Even after dismissal kasi, nagpa-practice pa sila dito sa soccer field.

"Focus, Shanara! Focus!" sigaw ni Terence habang nakapameywang.

"I am focusing!" iritableng sagot ni Nara.

Kanina pa sila nag p-practice sa pag g-goalkeep at talagang tinututukan siyang mabuti ni Terence. Masasabi ko namang nag i-improve si Nara, dahil out of 10 sa mga bola sinisipa ni Terence, mga 3-4 ang nahaharangan ni Nara, which is not bad. Medyo nakakagulat nga ang pagiging strikto ni Terence, sobrang seryoso niya sa pagtuturo.

"You should pay attention to the ball!" wika na naman niya kay Nara.

"Eh nahihirapan nga ko 'e!" reklamo ni Nara. "I can't run properly! Palibhasa di ka babae 'e!"

Saglit na nanahimik si Terence. I think na gets niya ang sinabi ni Nara. May maipagmamalaking dibdib kasi si Nara, mahirap nga naman tumakbo pag meron ka no'n.

"You'll do goalkeeper drills with me later. Magpahinga ka nga muna!" sagot nito at humarap pumunta sa goalkeeper ng boys para yun naman ang turuan.

Kakatapos lang namin magpractice mga girls at nagpapahinga na ang mga kaklase ko sa gilid habang nagdadaldalan. Mukhang hindi sila masyadong nababahala, kita ko naman na karamihan sa mga kaklase ko ay kayang maglaro ng maayos. Unlike me. I don't think I am doing well at this. Hindi naman kasi ako para sa sports 'e. Feeling ko tuloy ako pa ang magpapatalo sa amin.

Mag isa ako dito sa gilid at nagpa-practice sumipa ng bola sa portable goal na ni-setup nila kanina.

Sinipa ko ang bolang nasa harap ko and as usual na tabingi na naman ako tumira. Mabuti nalang may sumalo nito bago pa makalayo yung bola, pagtingin ko kung sino, si Kyver pala. Nagpakitang gilas siya at nag juggle ng bola sa paa.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinapanood siya. Ang galing niya mag juggle.

"Do you want to practice?" tanong niya.

"I badly need it"

Ngumiti siya at mahinang sinipa ang bola papunta sa'kin. Pinigilan ko naman itong gumulong gamit ang paa ko.

"It's important to put your foot next to the ball pointing to the goal" aniya at pumunta sa gilid ko para i-demonstrate.

"No need to rush, lean forward and don't forget to lock your ankle before kicking it" he said that, then kicked in the air.

I see.

"Okay" Tumungo ako at inaral ang ginawa niya. Foot, lean forward, lock the ankle, then kick.

Dumistansiya ako sa bola at tumakbo tsaka itinapat ang paa ko sa bola bago ito sipain gamit ang isa ko pang paa papunta sa goal. Pumasok ito sa goal at sa unang pagkakataon ay hindi tabingi ang pagsipa ko.

"I did it-ahh!" Sa sobrang tuwa ko ay nawalan ako ng focus at na-out balance, mabuti at nahawakan ako ni Kyver sa braso para hindi ako tuluyang bumagsak.

"I forgot to say to land on your foot quickly after kicking" he chuckled. "That's a good kick. Let's try it again?"

"Yup" Ngumiti ako at tumungo ako sa kaniya. Inulit pa namin nang maraming beses ang pagsipa ko hanggang sa masanay ako sa posisyon ng pagsipa.

Binigyan din ako ng ibang tips ni Kyver lalo na sa pag dribble at pag recieve ng bola. Medyo mahirap siya pag ginagawa, pero medyo nakukuha ko naman na siya dahil tinuturuan niya ako. I'm glad that he's a gentle teacher, at nage-gets ko ang mga demonstration niya.

Dating Kyver Mendez to the next levelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon