11

11 2 0
                                    


"Coach?"

Napangiti si Coach nang nakakaloko kay Kyver. And by his grin, I think I know what he's thinking.

"Aba, may ka-date ka rin ah" May panunukso ang tono at tingin ni coach Lander sa kaniya. Shems, yan na nga ang sinasabi ko 'e!

Bumaling ito sa akin at medyo nagulat nang makita ako.

"Oh? Natalia Loran?"

I'm surprised na naaalala niya ako. Well, I was once a school journalist, at minsan ay sumasama ako sa mga sport competition para magsulat ng balita.

"Aba, Kyver, magaling ka pumili ah!" Mahina niyang tinapik si Kyver. Nakita ko namang napangisi si Kyver ng maliit. "By the way, si Jessa pala, wife ko. Jessa, si Kyver, pinakamagaling kong anak yan sa team, at si Natalia, top 1 yan sa batch nila"

"Woah, isang magaling na athlete at isang top student. Napaka cute niyo tignan dalawa! Bagay na bagay kayo! Naalala ko tuloy noong highschool kami ni Lander, ganyan din kami dati" Humawak si Jessa sa biceps ni Coach at parang kinilig.

"Diba? Parang tayo lang din noon" sangayon ni Coach sa asawa niya.

"Uhm—" Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni coach.

"Sige, hindi na kami mangiistorbo at kakain na din kami. Oy, Kyver, may practice bukas ah, wag nang gagawa ng kalokohan at umuwi agad" Nanunukso parin ang boses ni coach at kinindatan pa si Kyver bago tumalikod.

Tumingin ako kay Kyver na kumakain na ulit na para bang walang nangyari. He just seemed so cool with what happened!

"Kyver!" Tinapik ko siya kaya napatingin siya sa'kin. Nasa bibig niya pa ang chopstick niya.

"Hmm?"

"Hindi mo ba lilinawin sa coach mo na hindi tayo nag d-date?!"

"Nah, he won't believe me anyway" saad niya at sumubo ulit ng noodles.

"'E pano kung sabihin niya sa iba?  Hindi ka ba natatakot na may kumalat na rumors sa school?"

"Nope, why would I?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Anong why would I ka dyan? Kapag kumalat 'to sa school, pupuntiryahin ako ng mga admirers mo 'no"

Natawa naman siya sa sinabi ko kaya napakunot ako ng noo. Aba? Palibhasa kasi hindi siya ang maghihirap 'e!

"Anong nakakatawa?" Nagsisimula na akong mainis.

"Bakit ka naman nila kukuyugin? I don't think anyone at school would even do that to you"

"Wag mo ngang minamaliit ang mga admirers mo. Last year, usap-usapan yung babaeng nag confess sayo after ng game niyo, dahil sa ginawa niya, binully siya ng mga admirers mo, tapos nagtransfer siya ng school dahil hindi niya nakayanan yung pambubully!"

"Oh, Renzo did told me something about that before, so that's what happened" kibit-balikat niya.

"Yeah, at hindi mo ba napansin? Simula no'n puro patago na sila mag confess sayo, ganun ang impact mo sa school, Kyver"

"So? Sila ang may problema. Tsaka iba naman sila sa'yo. You're not just a typical commoner at school. You have a big name and reputation there, hindi ba't nakakahiya kung i-bully ka nila kung wala naman sila sa kalingkingan mo?"

"H-huh?" Is he saying na hindi ako ka-bully-bully? Is that even a compliment?!

"Besides..." Humalumbaba siya gamit ang isa niyang braso at tumingin sakin nang may ngisi sa labi. "Dating Natalia Loran is like a dream come true to every guy at school"

Dating Kyver Mendez to the next levelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon