After naming sakyan ang napakaraming rides, nagpahinga muna kami at kumain sa bench. Katabi ko si Kyver at katabi naman ni Kyver si Terence. Bumili kaming tatlo ng corndog habang sina Nara at Klark ay bumili sa stall ng corn lollipops.
Mas nauna kami sa kanilang makabili kaya ngayon ay hinihintay namin ang dalawa. So far, Klark is still playing his good-boy card. Nakikisama siya sa'min, pero dahil alam ko ang masamang budhi niya, hindi niya ako makukumbinsi.
"Anong meron sa matandang 'yan at nainlove si Shanara dyan?" Punong-puno ng kritisismong wika ni Terence habang nakatanaw kina Klark at Nara sa stall.
"Kagaguhan" inis na sabi ko at kumagat sa corndog na hawak ko.
Pareho napatingin sina Kyver at Terence sa'kin, parang nagulat sila sa sinabi ko.
"What?" Tinaasan ko sila ng kilay.
"Wow, nag mumura ka pala, Lia? Kala ko kasi mala mama mary ka or saint" Tumawa si Terence at kumagat sa corndog niya.
I just gave him a death stare. Tumigil siya sa pagtawa at nagpatay-malisya nalang na walang sinabi. However, Kyver is looking at me intently, parang kanina pa siya nagtatanong kung anong problema ko.
Sabi ko na 'e, hindi niya naaalala si Klark.
"Tsk, nakakasuya sila tignan" ang vocal masyado ni Terence sa mga salitang naiisip niya. Pasimple kasing naghahalikan ngayon sina Nara at Klark. Nakasimangot si Terence habang nakatingin sa kanila.
"Kyvie batuhin mo nga sila, dali, kahit isa lang" utos ni Terence.
"Nah, I want you to suffer more" sagot ni Kyver habang kumakain.
"Traydor!" Inipit ni Terence ang leeg ni Kyver. Si Kyver naman ay nagpumiglas.
"Argh, stop it, Renzo!"
Nagharutan sila bigla sa tabi ko. Pinagtitinginan tuloy silang dalawa, lalo na ng mga babae na dumadaan. Napabuntong hininga ako. Nagmukha akong third-wheel sa dalawang 'to.
"Ehem" I faked a cough. They both looked at me, Kyver pushed him immediately like he's guilty of something.
"Mukhang kanina ka pa bitter kay Klark, may gusto ka ba kay Nara, Terence?" deretsahang tanong ko.
Tinignan ako ni Terence at inilagay ang isang daliri niya sa labi. "Sshh ka lang ah? Bestfriend mo 'yon baka ilaglag mo ko"
"Tsaka crush lang naman, slight" dagdag niya at tumawa. He answered like he's not really serious about it. I guess I have nothing to worry about.
Napainom lang si Kyver sa coke niya na nasa can at wala manlang reaksyon sa sinabi ni Terence. It lookes like he's been aware of it.
"Guys! Thanks for waiting!"
Speaking of, masayang bumalik sina Nara at Klark sa bench kung nasaan kami. Nagkwentuhan lang sila ng kung ano-anong bagay habang nagpapahinga kami.
I was kind of spaced out thw whole time. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin kay Nara ang totoo. Ayoko siyang saktan, pero either way, kapag hindi ko sinabi, mas lalo siyang masasaktan.
A few moments later, tumayo si Nara at hinila din ako.
"Nawiwiwi na ko, Lia, samahan mo 'ko"
"Okay" Nagpahila ako sa kaniya.
"Wait, sama!" Sumunod din samin si Terence.
Napatingin ako kay Kyver na nakatingin lang sa'min. Nagpaalam ako sa paraan ng pagititinginan namin. I wonder if he will be okay staying with Klark alone.