Nasa kitchen table ako at abala sa pagkain ng almusal bago pumasok. Nakabihis na ako ng uniform at ready narin ang gamit ko sa school. Inagahan ko talaga ang gising para lang hindi makita si Kyver sa kusina at sala, pero mukhang pareho kami ng nasa isip at maaga rin siyang nagising tulad ko.Natatanaw ko siya ngayon na nagkakape sa maliit niyang kitchen table habang nakatingin sa tablet niya. Tsaka ano yung kinakain niya? frozen food?
Magkatapat ang kusina at sala namin kaya kitang-kita namin ang isa't isa. Tumayo ako nang matapos sa pagkain, pero bigla rin siyang tumayo kasabay ko kaya pareho kaming nagkatinginan. Napangiwi kami sa isa't isa at sabay na pumunta sa sink para hugasan yung plato.
Tch, ginagaya niya ba ako?!
After ko maghugas, kinuha ko na ang bag ko at isinukbit sa likod tsaka pumunta sa pinto.
"Bye, Shadow"
"Bye, Snowball"
Muli kaming nagkatinginan ni Kyver at nagsamaan ng tingin. Bakit ba lahat ng ginagawa ko ginagaya niya rin?!
Parehas namin binuksan ang pinto at muli kaming nagkita pagkalabas, pero nauna agad siyang umalis pababa ng building. Mabuti naman at nakaramdam siya na ang awkward kung magsasabay kaming pumasok. Naglakad ako ng ilang metro patungo sa bus station kaso nandon rin siya at naghihintay.
Argh!
Maya-maya dumating na ang bus. Pumasok agad si Kyver sa loob. Ako naman ay nagdadalawang isip kung sasakay ba o hindi. Ayoko siyang makasabay! Pano kung may makakita sa'min? Siguradong malilintikam ako sa mga admirers ng mokong na 'to, tsaka sobrang awkward 'no! Tsaka baka maghinala sila na magkasama kami sa iisang bubong! Okay nag ooverthink ako.
Tch, 15 minutes pa bago dumating yung susunod na bus, at naalala kong hindi ko pa pala nagagawa yung assignment ko sa first subject, kaya kailangan ko na talagang makarating sa school para gawin 'yon.
"Miss, sasakay ka ba?"
"O-opo!"
Wala akong nagawa kung di ang sumakay. Naghanap ako ng vacant seat at kung minamalas ka nga naman, isang vacant seat nalang ang natitira at sa tabi pa ni Kyver!Nayayamot akong naglakad sa aisle at tumabi sa kaniya.
"Walang makakaalam na nakatira tayo sa iisang bubong as long as we act like the usual way" Napatingin ako kay Kyver nang magsalita siya. Nakatanaw lang siya sa bintana at hindi nagpapahalata na magkausap kami.
"Sana nga ganun lang kadali 'yun" Bumuntong hininga ako.
Seatmate ko siya since junior high at once in a blue moon lang kami mag usap, tapos biglang makakasama ko siya sa iisang bahay? Imagine-in mo yung awkwardness overload!
Halos 30 minutes din ang lumipas bago huminto ang bus sa bus stop. 30 minutes din kaming hindi nagkibuan. Tumayo agad ako para bumaba pero napatigil ako dahil sumabit ang bag ko sa bag ni Kyver.
"Wait!" Tumayo rin si Kyver at sinubukang alisin ang pagkakasabit ng bag namin pero dahil sa tagal niya, sinisita na kami ng driver.
"Hoy, bababa pa ba kayo?"
"Wait lang po, manong!" sabay naming saad.
"Tch, bumaba nga muna tayo" saad ni Kyver at hinila ako.
"Huh?! teka wait!" Gusto ko sana siyang pigilan pero hinila na niya ako palabas ng bus. Isa pa, nagagalit na si manong dahil kami nalang ang hindi pa nakakababa.
Pagbaba namin, ilang pares ng mga mata agad ang tumingin sa amin. Gusto ko ng lumayo kay Kyver kaso magkadikit parin ang bag namin!
"Hindi mo pa ba naaalis?"