Prologue

102K 1.3K 51
                                    


Nanikip ang dibdib ko habang nakatanaw sa kaniya sa malayo. Ang mga luha ay patuloy na naglalandas.

"I'm sorry, baby..." I whispered.

Dahan-dahan akong tumalikod at dahan-dahan na naglakad palayo. Masakit at nanikip ang dibdib.

I need this. Kailangan kong gawin ito para sa sarili ko at para din sa kanya.
Alam ko sa sarili kong hindi ko pa siya kayang buhayin. Hindi ko alam kung paano siya bubuhayin at aalagaan. Hindi ko alam kung paano.

Hindi ako handa.

Napatakip ako ng mukha at napahagulgol ng marinig ang iyak niya. Mabilis akong  tumakbo palapit sa kanya at binuhat siya.

Patuloy na umaagos ang mga luha ko habang nakatingin sa baby ko.

"Sorry, anak...Sorry, patawarin mo si Mama. Hindi sinasadya ni mama. Hindi ka na iiwan na iiwan ni mama...Hindi na...Tahan na anak ko..." Naghalo ang iyak naming dalawa.

Inalo-alo ko siya para patahanin. Nagpatuloy ang paglandas ng mga luha ko habang nakatingin sa kanya.

Sobrang pagsisisihan ko ang ginawa kong katangahan.

"H-hindi na, anak...Hindi ka na iiwan ni ama..." Pagpapatahan ko at hinalikan ito sa noo.

Alam kong oras na babalik ako sa bahay ay kailangan ko ng umalis dahil paniguradong hindi nila ako tatanggapin lalo na ang anak ko.

"Elya! Bat dala mo pa ang batang 'yan?! Akala ko ba iiwan mo na 'yan sa gilid ng kalsada?!" sigaw ni tiya.

Hindi ako nakaimik. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatangin sa'kin. Mapait lang akong ngumiti.

"Hindi ko po kaya, tiya..." sagot ko sa mahinang boses.

Mas lalong nanlisik ang mga niya. Halatang galit na galit siya.

Isa siyang Ina kaya bakit ganito siya? Bakit handa niyang pabayaan ang anak niya kung laman at dugo niya ito?

"Alam mo naman na siguro ang mangyayari sa'yo!" sigaw niya.

Nilagpasan ko na lang sila at pumasok sa kuwarto ko. Marahan kong nilapag sa kama ang anak ko at hinalikan ito sa noo.

Nagimpake ako ng mga gamit pero mga importante lang ang dadalhin ko. Kinuha ko din ang alkansya sa ilalim ng cabinet.

Hindi ko alam kung saan aabot ang naipon kung ito...pero sana umabot kahit sa gatas lang ng anak ko at sa pambayad sa mauupahan namin ngayong gabi.

Hindi ko kaya kung matutulog siya sa hindi maayos na hindi ko man lang naisip kanina. Paano kung may mangyaring masama sa kanya kung tuluyan ko siyang iniwan sa gilid ng kalsada?

Hindi kakayanin ng konsensya ko kung may mangyaring hindi maganda sa kanya. Mas mabuti na din na umalis ako dito kasi puro katoxican lang naman ang mga tao dito at nakakapagod na din.

Hawak ako ni tiya sa leeg at lahat ng gusto niya ay dapat kung sundin. Ang mga desisyon niya ang dapat na masunod. Ni hindi na ako nakakapagdesisyon sa sarili ko.

Naging sunod-sunuran at uto-uto ako...pero hindi na ngayon lalo na at may kailangan akong protektahan.

Napahikbi ako ng mahina habang marahan na kinukuha ang anak ko sa kama. Mas mabuti na ito kaysa ang mabuhay siya sa bahay na toxic ang mga tao.

"Aalis na po ako..." paalam ko.

Nakatingin lang sila sa'kin. Kumalma na si tiya. Nandidiri ang mga tingin ng mga pinsan ko sa 'kin pero wala akong pakialam.

Mas nakakadiri pa nga sila kasi nagawa nilang ipalaglag ang batang wala namang alam. Ang batang inosente.

Nakahanap agad ako ng mauupahan at mabait naman si Aling Aurina. Hindi niya agad ako siningil sa down payment kahit na may pambayad naman ako.

Siguro ay dahil nakita niya ang itsura ko kaya naawa.

"Gagawin ni Mama ang lahat, anak...Gagawin ni Mama ang makakaya niya para mabuhay ka..." sabay iyak ko.

Pinaglaruan ko ang mga maliliit niyang daliri. Mahimbing itong natutulog.

Pinaghalo ang mukha ko at ang mukha ng papa niya pero mas lamang ang sa papa niya.

Talagang may lahing Sollano.

Madami akong pangarap sa buhay ko kaya muntik ko na siyang iwanan kanina. Akala ko kaya ko...hindi pala.

Hindi kaya ng konsensya ko.

Mas mabuti ng isakripisyo ko ang mga pangarap ko kaysa siya ang isakripisyo ko.

"Mahal na mahal ka ni Mama...Mahal na mahal kita gaya ng pagmamahal ko sa Papa mo..." bulong ko at hinalikan ulit ito sa noo.

Kung tutuusin ay maaari naman akong humingi ng financial sa papa niya pero hindi ko ginawa.

Masakit pa din sa didbib. Sariwa pa din sa isip ko ang nakita ko.
Nakita ng mga mata ko, e. Buti kung sana kung hindi ko nakita. Kaso nakita ko at nasaktan ako ng sobra kaya hindi niya ako masisisi kung hindi ko sinabi sa kanya na may anak kaming dalawa.

Mahal na mahal ko siya...pero bakit nagawa niya akong lokohin?

Alam niya ang hirap ko sa pamilya ko. Alam niyang problemado na ako sa pamilya ko at nasasaktan. Pero bakit nagawa niya din akong saktan?

'Yong kinakapitan ko para lang tumibay ay siya ding nagpabitaw sa 'kin. Pareho-pareho talaga silang mga lalaki na manloloko at walang ginawa kundi ang paglaruan ang mga babae na minahal lang naman sila.

"Elya! May naghahanap sa 'yo!" Napakunot ang noo ko sa sigaw ni Aling Aurina sa labas.

Inayos ko muna ang pagkakahiga ng anak ko at hinalikan muli ito sa noo bago buksan ang pinto. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Nanlalaki pa ang mga mata habang nakatingin sa dalawang taong hindi ko inaasahan na makikita kong muli.

Anong ginagawa nila dito? Paano nila nalaman na nandito ako? May alam ba sila?

"Hi!" si Yiem.

Akmang isasarado ko ang pinto ng iharang ni Yielo ang sarili niya. Tumitig muna ito sa 'kin bago pumasok sa loob.

Wala na akong nagawa.

"Wow! Kamukha ni kuya, medjo." Namamanghang saad ni Yiem ng makita ang anak namin ng Kuya nila.

Natatakot ako...Natatakot ako na baka ilayo nila sa'kin ang anak ko.

"H-h'wag ninyo siyang i-ilayo sa 'kin..." pangunguna ko para mapatingin sila pareho sa'kin.

Nangilid ang gilid ng mga mata ko.

"Hindi namin ilalayo, ppero kailangang malaman ito ni kuya," seryosong saad ni Yielo.

Napaluha ako at napayuko.

Yleo Lexus Mat Sollano is the father of my child.

The Paths Connected (Sollano Brothers #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon